Chapter 42: Plan

964 32 3
                                    

Mystery Killer 2: The Revenge

KINABUKASAN

Pinunasan naman ni Ella ang luhang dumadaloy sa kanyang mga mata habang inilalabas na ang bangkay ni Megan upang madala na ito sa Morgue. Kinontak na rin ng Principal ang mga magulang nito para ipaalam sa kanila ang sinapit ng nilang anak.

Hinihimas naman ni Patrick ang likod ng kakambal para kahit papaano makatulong ito sa pagtahan ng kakambal. Kasama rin nila si Jim sa loob ng Library.

Kalat na kalat sa buong eskwelahan ang nangyari tungkol sa karumal-dumal na pagkamatay ni Megan sa loob ng Library. Mula sa di kalayuan nakita ni Bella si Luke na pinapanood ang mga pangyayari.

Nang magtagpo ang kanilang mga mata tila napangisi sila sa isa't-isa. Hindi na nakayanan ni Samantha ang nakikita kaya naman umalis na siya roon, sinundan naman siya ni Bella.

Bella: Samantha, wait!

Hinawakan naman niya ito sa balikat para mapahinto ito sa paglalakad. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang kaibigan niya.

Bella: Alam ko na mahirap toh para sa iyo, maging sa akin kasi kahit papano tinuring ko naman siya na kaibigan pero Samantha kailangan nating tanggapin ang katotohanan na...............wala na si Megan.

Samantha: Bakit? Bakit kailangang mangyari sa kanya toh? Diba dapat sina Marco at Krystal ang pinatay? Sila dapat y-yung pinatay kasi......kasi sila yung pumatay kay Rina diba? Bakit kailangang madamay ni Megan?

Tanong naman nito sa kaibigan habang umiiyak. Imbis sagutin ni Bella ang katanungan ni Samantha binigyan niya na lang ito ng isang yakap.

Ngunit sa kabila noon, isang Bella ang nakangiti dahil patay na si Megan.

Patrick: Ella, tara na kailangan na nating pumasok sa klase.

Jim: Oo nga Ella kailangan na nating pumasok-

Ella: Sa tingin niyo ba makakapag-concentrate ako sa klase dahil sa nangyari ngayon? Bakit parang wala lang sa inyo yung pagkamatay niya?

Patrick: Ella ano bang sinasabi mo diyan? Syempre nalulungkot rin kami sa pagkamatay ni Megan lalo pa't siya ang nagboluntaryo na kuhanin yung Year Book sa loob.

Naiinis na sagot ni Patrick sa kakambal niya.

Ella: Yun na nga eh! Sino ba kasi nakaisip na kuhanin yung Year Book na yan dito sa Library?! Eh kahit naman makita natin kung ano ang itsura ni Neal dati sa tingin niyo mahihinto yung pagpatay niya? Sa paghihiganti na balak niya?!

Natahimik naman si Patrick mas lalo na si Jim na siyang naka-isip ng ideyang kuhain ang Year Book.

Ella: Pihadong nakita na ni Megan yung Year Book kaya siya pinatay. At pihadong may nakarinig sa balak ninyong dalawa. It's either kasabwat ni Neal o mismong si Neal ang pumatay. Nandahil sa naisip ninyo namatay si Megan!

Patrick: Bakit ba parang makapagsalita ka ginusto namin na mamatay siya ha?!

Hindi na mapigilan ni Patrick ang sarili na magalit. Lalo pa't pinaparating ng kakambal niya na sila ang may kasalanan kung bakit namatay si Megan.

Jim: Patrick, Ella tama na yan. Wala namang maitutulong yang pag-aaway ninyo eh.

Napatingin na lang ng masama si Ella sa dalawa at lumabas na sa library. Nagsi-alisan na rin ang mga estudyanteng nakikinood sa mga pangyayari. Nakita at narinig lahat ni Chief Ronald ang sagutan ng dalawang magkapatid kaya lumapit siya kina Jim at Patrick.

Chief Ronald: Ayos ka lang ba Reyes?

Patrick: Ayos lang ho.

Chief Ronald: Ang hirap talaga kapag namamatayan ng kaibigan lalo pa't hindi mo alam na huling araw mo na pala siyang makakasama. Sino ba ang naka-isip na kuhanin ang Year Book?

Mystery Killer 2: The Revenge [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant