Chapter 6: Twin's Move

2.7K 45 8
                                    

Mystery Killer 2: The Revenge

"Class, sa Wednesday magkakaroon tayo ng School Fair which means wala tayong pasok at lahat tayo ay mag-eenjoy sa mga palabas na ihahanda ng mga 4th Year at Booths naman na gagawin ng Student Council" Panimula naman ng guro nina Patrick bago magsimula ang klase.

"School Fair?" Tanong naman ni Patrick kay Jim.

"Oo School Fair nangyayari yun once a year para naman masaya. Ngayon mo lang ba nalaman yun?"

"Ang totoo niyan naririnig ko na ang salitang yun tapos masaya raw pero hindi ko alam kung ano bang ginagawa dun kasi dati hindi naman kami pumupunta dun ng kapatid ko"

"Hayaan mo pihadong sa Wednesday mag-eenjoy ka. Kasi maraming palabas tapos may mga booth pa"

Lahat nga mga estudyante sa UST Highschool ay alam na ang gaganapin na School Fair sa Wednesday kaya naman lahat sila ay excited na sa araw na yun. Ang hindi nila alam nagpaplano na 'SILA' ng isang magandang palabas para sa mga manonood.

???: So, bali tong susi na toh ipapalunok natin sa biktima tapos yung ibibitin natin dun sa harapan ng mga manonood eh makakawala lang kapag may isang tao na kumuha ng susi dun sa nakatali at nakakulong dun sa may lumang bodega?

Tanong naman 'NIYA' sa kanilang tinatawag na Boss. Nang maitali na ng mahigpit ang tali at ang susi napangiti 'SIYA' sa sinabi ng kanyang kasabwat.

???: Ang galing mo talaga kahit kailan noh? Tama ka makakaligtas lang ang nakabitin dun kung may makakakuha ng susi. Bibigyan natin sila ng 13 minutes pero kapag hindi nila agad naiikot ang susi sa makinang yun mamamatay yung nakabitin sa ere dahil unti-unting humihigpit ang tali sa leeg niya.

???: Your so evil talaga Boss pero it's kinda fun ah!

Komento naman ni Living Doll sa kanyang Boss. Living Doll ang ipinangalan sa kanya ng kanyang Boss dahil mukha siyang buhay na manika dahil sa kanyang itsura.

???: Ganun talaga kapag demonyo. Dinemonyo rin naman nila ako simula 1st Year hanggang 2nd Year. Ang mali ko dun pinatagal ko pa kaya umabot sa punto na sa sobrang panlalait, pambubuska at pananakit nila sa akin binuhusan nila ng asido yung mukha ko. Hindi nila alam kung gaano nahirapan ang mga magulang ko para lang ipaayos ang nasira kong mukha sa ginawa nila. Pero dahil mayayaman sila hindi sila pinarusahan ng Principal. May araw rin sa akin ang Principal na yan. Isusunod natin siya pagkatapos ng School Fair.

???: As in direct mo siyang papatayin? Walang pahirap?

???: Syempre may pahirap. Bawat pinapatay naman natin may pahirap diba. Pag-iisipan ko kung papaano ko siya pahihirapan.

???: Boss, tapos na tong makinarya. Pati pagpatay ngayon ng mga tao High Tech na rin. Oh paano mauna na ako Boss may importante pa kasi akong gagawin.

???: Sige. Ikaw LD lumabas ka na rin.

???: Thanks Boss! By the way iiwan ko na muna sa iyo tong knife ko baka kasi makita pa ng ka dorm-mate ko.

Lumabas na silang dalawa at naiwan na ang kanilang Boss. Kinuha naman niya sa bag niya ang kanyang larawan. Ang unang mukha niya.

'Kung dati inaapi-api ako, tinatapakan at sinasaktan.....Ngayon ako naman ang gagawa sa kanila nun at dodoblehin ko ang mga pahirap na ipinaranas nila sa akin noon. Kung hindi nila ginawa yun sa akin hindi mangyayari ang pagpatay na nangyayari sa eskwelahang ito'

Nilagay naman niya sa sahig ang kanyang larawan at kumuha ng posporo sinunog niya ito pero.....

"May tao ba diyan?!" Dahil mukha lang niya ang nasunog pinatay niya na ang apoy at tinapon ito kung saan sa loob ng bodega. Tanging damit na lang ang natira sa larawan. Dumaan siya sa bintana at bumalik na sa klase.

Mystery Killer 2: The Revenge [COMPLETED]Where stories live. Discover now