Chapter 47: It's Payback Time

1.3K 43 9
                                    

Mystery Killer 2: The Revenge

Nanonood si Patrick ng TV sa sala, habang si Jim naman ay nagluluto na ng kanilang hapunan. Kanina pa napapansin ni Jim si Patrick na tahimik at parang malalim ang iniisip habang nakatingin sa TV.

Jim: Grabe naman yung nangyari diyan sa lalake. Anong ginawa?

Nakita ni Jim na parang bumalik sa realidad si Patrick at napatingin sa kanya. Umayos ito sa pagkaka-upo at tinignan ang nakasulat sa Screen ng TV.

Patrick: Hinoldap daw eh.

Napangisi si Jim dahil kanina pa nanonood ng balita si Patrick hindi naman pala alam nito ang nangyayari sa balita. Binaba naman niya ang siyanse at lumapit sa kaibigan, dinantay niya ang magkabila niyang kamay sa sofa habang nakatayo at tinignan ang kaibigan.

Jim: Mali ka, sinaksak yung lalake habang naglalakad siya dahil hindi niya alam na may tao pala na kanina pa sumusunod sa kanya. Ayos ka lang ba? Ako na nagluluto naiintindihan ko ikaw na nakaupo diyan at tutok na tutok hindi naman naiintindihan. May problema ba?

Nilagay ni Patrick ang remote control sa gilid at huminga ng malalim.

Patrick: Mahal ko pa rin si Tammy.

Diretchahang saad nito sa kaibigan. Napatango naman si Jim ng malaman ang dahilan. Nagkaka-ganyan lang si Patrick tuwing si Tammy na ang pinag-uusapan.

Jim: Alam ko naman yan eh. Syempre kahit na niloko ka niya at pinagpalit kay Luke hindi naman ganun kadali para kalimutan mo agad yung pagmamahal na meron ka sa kanya. Alam mo yung kasabihan na 'It Takes Time To Ease The Pain?' Yun yung kailangan mo hanggang sa dumating yung araw na yung nararamdaman mo para sa kanya wala na pala.

Patrick: Parang ang hirap eh. Alam mo si Tammy kasi yung kauna-unahang babae na minahal ko sa buhay ko bukod kina mama tsaka sa kakambal ko. Nung nagkakilala kami para nga kaming pinagtagpo ng tadhana dahil nandun ako para iligtas siya sa kamay ng Killer na balak siyang patayin.

Jim: Kung ganun, bakit hindi mo siya kausapin?

Patrick: Ano?

Jim: Kausapin mo siya kung pati ba siya may nararamdaman pa rin ba sa iyo. Dati nung pinipilit mo siyang kausapin ka ayaw niya pero anong nangyari sa iyo at anong ginawa niya para magkaganyan ka? May nangyari ba na hindi ko alam?

'SORRY!'

'U-Uhh sorry, di kita nakita t-tsaka kasi tumatakbo ka. Pasensiya ka na'

'Sorry, sorry kung nasaktan kita'

'Ayos lang. Masakit sa una pero alam ko na mawawala rin toh. Mauna na ako'

Jim: Kaya pala eh. Sinasabi ko na nga ba hindi ka mananahimik ng isang beses kung walang nangyari, at kanina ko pa iniisip na dahilan yang si Tammy. Alam mo kung ako sa iyo Patrick kausapin mo si Tammy kasi pihadong hinihintay ka lang rin yan. Kilala ko si Tammy Patrick, pihadong hindi niya gagawin ang desisyon na yun dahil mahal na mahal ka niya.

Patrick: Anong ibig mong sabihin?

Jim: Hindi ka ba nagtataka nung balak kang sampahan ni Luke ng kaso dahil sa balak mong pagpatay sa kanya after nun sila na agad? Alam mo gusto kong sabihin toh sana sa iyo noon pa kaya lang inimbestigahan ko na muna yung mga nangyayari pero I think this is the right time. Tsaka ngayon ka pa matatakot kung kailan na alam na ni Chief Ronald kung sino yung dalawa sa tatlong Killer?

Napa-isip si Patrick sa sinabi ni Jim at napagtanto niya na lahat ng sinabi ng kaibigan niya ay tama. Pinangunahan lang rin siya noon ng galit at selos noong una niya itong mabalitaan.

Mystery Killer 2: The Revenge [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon