03: Embarrassment

85 7 2
                                    

It's been a month since school started, nothing big happened for the past days. Except for getting in sa volleyball team, and every dismissal since that day nagstart na rin training namin. Mas napalapit na rin ako kina Coleen at Brei for the past month kahit magkaka-iba kami ng clubs, sabay-sabay kaming tatlo naglulunch pero minsan kasama namin sila Ate Lara.

And about Gia I think she still hasn't forgiven me yet. She doesn't even give me a glance even for a sec, pagkasama namin sila magkakaibigan. It's not that it bothers me pero it just makes me feel guilty about sa coffee thing. Pero sabi nila Ate Lara ok lang daw sa kanya yun and ganon na ugali niya since then.

I'm on my way ngayon sa volleyball court kasi kakatapos lang ng classes namin ngayon. And when I arrived at the court, nakita ko si Ate Lara sa may bench kausap si Sayaka isa sa mga teammates ko and isa sa mga flings niya. Lumapit ako sa kanila at tamang-tama tumayo na si Ate Lara at narinig ko usapan nila.

"See you later after your training", sabi niya at hinalikan ito. Nakalimutan atta nilang may ibang tao rito.

"Ew Ate Lara, PDA!", sigaw ko sa kanila. She looked at me and rolled her eyes. Lumayo siya kay Nile at lumapit saakin.

"Papahatid kita kay Gia mamaya, may date ako"

"Huh? Bakit siya? Papahatid na lang ako kina Coco, Ate", Andaming kaibigan ni Ate siya pa.

"I talked to all of them na, Gia is the only one available. And iba daanan nila pauwi makakaabala ka pa"

"Makakaabala rin naman to kay Gia ah", Ayaw ko talaga makisabay sa kanya, di ko ma explain pero ayaw ko talaga.

"Yung daan mo pauwi ay same rin kung nasaan daan papunta sa condo niya"

"Ate naman eh, uunahin mo pa date mo? Kaysa sa pinsan mo?", reklamo ko sa kanya.

"Minsan lang to, you are in good hands naman. Gia lang yan Ella di yan nangangagat", she chuckled.

"Bahala ka jan---"

"Mukhang magsisimula na kayo, sige na byee", biglang paalam nito at tumakbo na paalis bago ko pa matapos yung sasabihin ko.

"Ano ba yan", I sighed to myself and placed my things on the bench. Nagsimula na yung training, nag-aadjust pa ako sa training medyo mas intense ang training ngayon kasi magsisimula na raw District Meet next next month.

Natapos na ang training and hurriedly changed my clothes kasi nag extend pa kami ng 30 minutes sa training. Nakakahiya naman kay Gia baka kanina pa naghihintay. Pagkatapos kong magpalit, binilisan kong maglakad papunta sa gate. Madilim na pala and I scanned the parking lot at naglakad lakad hinahanap sasakyan ni Gia. Sana tinanong ko pala kay Ate kung saan niya ako hihintayin at ano sasakyan nun. While walking, someone tapped my shoulders.

"Ay Palaka!", gulat kong sabi.

"Follow me", sabi nito at naglakad papalapit sa sasakyan niya. Tanginang Gia nanggungulat. "Hurry up", Binilisan kong naglakad papalapit sa kotse nito.

Binuksan ko yung pintuan sa back seat at inilagay yung duffle bag ko. Nang maka upo na ako sa likod, bigla siyang nagsalita na nasa driver seat.

"Put your seatbelt on"

After ko nilagay seatbelt ko, nagsimula na siyang magmaneho pauwi. The silence is so loud, the only thing filling the silence is the cars outside.

"Gia?", I broke the silence.

"What?"

"Why did you agree on taking me home? Nakakahiya kasi naabala pa kita"

"Your cousin asked me to and I owe her, I'm just repaying her. And it's not because I care about you."

"Uhm ok pero thank you"

"It's nothing" she said and silence taken over again.

Nakakahiya ka Ella, ba't mo pa tinanong yun? Ate Lara kasi inuna pa date niya. Dahil malayo pa kami sa bahay, tumingin muna ako sa bintana. Tinitignan every street lights that we pass. After 5 mins. I did not realize that I fell asleep.

...............

"----gising na", narinig kong gumigising saakin. Bigla akong nagising kasi naalala ko na hinatid pala ako ni Gia. Pagkamulat ko ng mata ko, nakita ko nasa kwarto na pala ako. Tinignan ko yung taong gumigising saakin at si Ate Marites pala.

"Paano po ako nakarating dito?", tanong ko kasi last na naalala ko nasa kotse ako ni Gia.

"Tumawag po kasi si Ma'am Lara, sabi niya pagbuksan ko raw po kayo ng pintuan nung kaibigan niya na naghatid sa inyo. Kasi anhirap niyo po gisingin kagabi, kaya binuhat ka na lang po niya papunta sa kwarto niyo.", pagpapaliwanag ni Ate Marites saakin.

Dahil sa narinig ko, bigla kong tinakpan yung mukha ko sa kahihiyan. Omg almost 30 mins. siya naghintay saakin, hinatid ako, at binuhat pa ako papunta sa kwarto ko?

"Ate naman, sana ginising niyo na lang ako hanggang sa nagising ako", reklamo ko. "Nakakahiya po sa tao"

"Siya na po nagsabi ma'am na wag na kayo gisingin kasi mukhang ang himbing na raw po tulog mo. At siya na po nagsabi na siya na po magbuhat sa inyo kahit sinabi kong kami na lang ni Kurdapya magbuhat sa iyo hehe", explain niya. "At may naghahanap po pala sa inyo sa baba kaya ginising ko po kayo ngayon ng maaga kahit Sabado ngayon. Kanina pa po kasi naghihintay eh"

"Sige po Ate, pasabi na lang po muna maghintay saglit. Salamat po!" sabi ko sabay tayo sa kama ko.

Binilisan ko maligo at magpalit ng damit kasi di ako nakaligo kagabi. Nakakahiya namang lumabas na di pa naliligo, mas lalo may bisita pa pala ako. After I prepared, bumaba na ako sa sala. Nang makarating sa baba, nagulat ako sa taong di ko inaasahan na makita sa bahay ngayon.

"You look shocked", sabi nito.

"What are you doing here?", I asked. Kakagising ko lang Lord, ang aga aga siya makikita ko.


---------------------------------

Short update pero babawi ako hehe

Rainbow Series: RED (GiaPhant)Where stories live. Discover now