09: Dream

86 9 2
                                    

Nandito kami ngayon sa hospital room ni Gia with Ate Lara and Jaydee na nagbabantay. It's their turn today magbantay sa gabi. Sabi nila na they would take turns on taking care of her, technically it was their fault na nahulog siya kaya they planned to just take turns. Kahapon si Ate Sheki, Ate Abby, and Ate Dana ang nagbantay.

Sunday ngayon, it's been two days since the accident and the doctor said that she would wake up in a few days, and the operation was a success pero she still needs time to rest.

"Sundan ko lang si Jaydee, tagal kumuha ng pagkain natin", sabi ni Ate Lara at tumayo na sa inuupuan namin. "Ok ka lang ba rito? Tawagin mo lang ang mga nurse if something happens", open niya sa pintuan.

Tumango nalang ako at tumingin sa pwesto ni Gia, pagkalabas ni Ate Lara. Nakahiga siya sa kama, nang may nakasabit sa kanya na kung ano-ano. May bandage sa ulo ng dahil sa pagkakatahi, at di naman grabe nangyari raw sakanya pero need yung mga ibang nakasabit sa kanya to make sure na walang mangyayaring masama.

Umupo ako sa tabi ng kama niya at hinawakan ang kamay nito.

"I hope you wake up na, I'm so sorry", I said while caressing her hand. Inihiga ko ang ulo ko sa tabi ng kamay nito na aking hinahawakan pa rin.

"Ella, ginagawa mo?", narinig kong sinabi ni Jaydee pagkapasok niya sa kwarto.

"Wala,chineck ko lang pag may pulso pa si Gia", sabi ko sabay hawak sa pulsuhan nito.

"You know that there are machines beside her to keep track her heartbeat right?", nakangising sabi nito.

"Ah oo, just making sure", kabadong tawa ko sa kanya. "Nasaan na pala si Ate Lara?"

"May binili lang, mauna na raw tayong kumain", inihain na namin sa maliit na lamesa ang mga pagkaing binili nila.

Natapos na kaming kumain at di pa dumadating si Ate Lara.

"So what's with the whole crying scene nung naitakbo si Gia rito?"

"Wala", di ko siya tinignan at baka asarin niya lang ako. Inayos ko na ang paghihigahan naming tatlo sa lapag.

"Hmmm.." narinig ko sa kanya.

"Tapos na pala kayong kumain", sabi ni Ate Lara na kakarating lang.

"Saan ka nanggaling te?", tanong ko sa kanya, at tinignan siya.

"Jan lang", turo niya sa labas.

"Ako na bahala jan", alok ni Jaydee. Binigay ko nalang sa kanya ang bedsheet na aking aayusin sana.

"Alam mo naman na, you don't have to stay the night here", tumingin ako kay Ate Lara na kumakain.

"I know, pero I want to stay here", sabi ko sakanya at humiga sa sofa.

Di na sila nagsalita at umidlip na muna ako saglit sa sofa.

~~~~~~~~~~~~~

"You all need to clear the room!", nagising ako dahil sa ingay ng room. Natauhan ako nang narinig ko ang iyak nila Ate Lara at Jaydee.

"Nurse, can you take them outside?", sabi ng doctor at bigla niya kaming itinulak palabas ng room.

"Ano nangyari?", tanong ko sa kanila.

"Habang natutulog kayong dalawa, inaayos ko ang higaan ni Gia hanggang sa nakita ko ang straight line sa monitor", sabi ni Ate Lara.

Umupo nalang kaming tatlo sa may hallway at hinihintay ang sasabihin ng doctor. Tinawagan na rin ni Lara si Gwynn pati na rin sila Ate Abby.

"Where are her parents?", narinig naming sinabi ng doctor pagkalabas nito.

"Nasa ibang bansa po pero paparating na kapatid niya", sabi ni Ate Lara tsaka tumayo. "Kamusta na po siya?"

Rainbow Series: RED (GiaPhant)Where stories live. Discover now