Chapter 40 : Unexpected

2.7K 35 8
                                    

Kath's POV

  

Huling araw na namin to ngayon dito sa bora kaya sinagad na namin ang pamamasyal at pamimili. 

Yung threat? Sa totoo lang, natatakot pa rin ako. Pero dahil kina Katsumi, mejo nawawala yung pangamba ko. Lagi ko sila ngayon kasama. Di na nga kami humihiwalay sa tropa eh. Ayaw nila akong maiwang magisa.

Andito kami ngayon sa isang store. Namimili sila ng mga pwedeng ipasalubong pabalik.

"Kath?Ok ka lang?Lutang ka ata?" sabi ni JC.

"Oo nga. Ok ka lang?" sabi naman ni Seth.

"Kath, wag kang magalala, andito lang kami." sabi ni Katsumi.

"Kayo ang OA niyo rin. Natahimik lang saglit, ano-ano na agad ang naiisip niyo :))" sabi ko sabay tawa ng bahagya.

"Eh kasi naman -.-" sabi ni Kats.

"Oh ano? Ok lang ako! Kung mga kasama niyo ba naman ay mga macho, may dapat pa ba akong ipangamba?" pagbibiro ko.

"Asan na yung mga macho sis? Ipakilala mo naman ako!" biglang sabat ni Julia.

"Oo nga kath, asan na yung mga macho na sinasabi mo?" sabi naman ni Nikka.

"So ganon? GANON?" sabi ni Kats. Mejo napapatawa na nga ako eh.

"Hala? Oo nga noh? Asan na ba yung mga macho kong kasama?" sabi ko sabay taas ng mga kamay ko na para bang naghahanap.

"HELLOOOOOO! ANDITO LANG KAMI!" sabi ni Seth.

"Ay? Kayo pala? Nagkamali pala ako ng pagdescribe" sabi ko.

"Ay nambubuwisit ka kath? Ikaw na nga ang may sabi na MACHO kami eh!" sabi ni Kats.

"Bakit? SINABI KO BA NA KAYO YUNG MGA MACHO? :) " sabi ko.

Fate's Choice (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon