Chapter 16 : 6 hours

3.7K 60 3
                                    

Daniel's POV

Andito pa rin kami ni Kath sa rooftop. Nagmumuni-muni lang.

Alam mo yung feeling na kahit wala kayong ginagawa, basta't kasama mo yung mahal mo, kompleto't masaya ka na. Korny man pakinggan, pero totoo yun.

Tahimik pa rin kaya nagsalita na ako.

"Uhm, kath?" 

"Hm?" 

"Gusto mo bang sumama sakin?" nilingunan naman niya ako.

"Saan naman?" 

"Magsaya tyo. Puro stress nalang kasi eh. Sa loob ng anim na oras, boyfriend mo ako at girlfriend kita. Pretend lang kumbaga." ewan ko pero eto yung naisip ko. ^^ Trip lang naman eh.

"Eh?" mukhang di pa ata nagets -.-

"For six hours lang Kath. Trip lang. Promise, di ka magsisisi. Tara na!" tumayo ako at hinila siya patayo.

"Ikaw, masyado kang ma-trip. Sige na nga!" yun oh! :D

Tumungo kami sa parking lot at sumakay na sa kotse. Sa totoo lang, kahit ako, di ko alam kung saan kami pupunta. Bahala na. Kung san man kami dalhin eh dun nalang. :D

Habang nagmamaneho papunta sa di namin alam san, ay biglang nagsalita si Kath.

"Hoy Padilla, san mo ba ako balak dalhin?" ^^ hihi.

"Di ko din alam Kath eh ^^v" 

"Alam mo, may pagka-katsumi ka rin eh noh? Isip bata!" 

"Naman. Barkada nga kame diba? Pero magkaiba kaming lahat" 

Fate's Choice (Completed)Where stories live. Discover now