Chapter 65 : Talk

2.5K 33 3
                                    

Author's Note sa hulian. Dedicated sa lahat ng nagcocomment at sa mga silent readers. Sana lumabas kayo pag ending na XD Enjoy!

~

Kath's POV

Hanggang ngayon, di pa rin lumalabas ang doctor sa ER.

Nagaalala ako. Ayoko ng ganito.

Nakaupo lang ako sa isang sulok dito.

"Kath. Wag ka nang umiyak. Ok lang yung si Daniel. Siguro namisarrange lang yung mga ugat niya sa dib dib kaya nagkaganun" sabi ni Kats.

"Kats naman eh."

"Eto naman o. Pinapatawa ka lang. Kalma ka lang. Ok lang si Daniel." nginitian lang niya ako. Pero di ako makangiti pabalik. Sobrang nagaalala ako.

"MA!" sigaw ni JC. Halos lahat kami napalingon sa biglang sigaw ni JC.

"Andito kami sa ***** ospital. Sinugod namin dito si Daniel. Ma. Biglang sumakit yung dibdib niya...Oh sige ma. Dalian niyo po. Please" inend na JC ang tawag at parang di mapakali ulit. Kanina pa siya ganyan eh.

Pinapakalma lang siya ni Gab.

Bigla namang lumabas ang doctor.

"Sino ang kamaganak ng pasyente?" agad namang lumapit si JC dun sa doctor.

"Come with me." sasama sana ako nang pinigilan ako ni JC.

Bakit ba? Wala ba akong karapatan na makialam?!

"Kath. Kalma lang. Pabayaan mo nalang muna si JC. Kapatid siya. Intindihin mo nalang muna."

"Pero mahal ko yung lalakeng andun!" biglang nagbago ang ekspresyon ni Katsumi..

"So-sorr--"

"No it's ok ^^ Atleast ngayon, di mo na dinideny. Tara. Nailipat na si Daniel sa kwarto niya. Puntahan na natin." inalayan lang ako ni Katsumi papunta sa kwarto ni Daniel.

Alam ko na nasaktan ko siya sa sinabi ko..

Nang makarating kami sa loob ng kwarto ni Daniel, agad ko siyang nilapitan. Ang daming nakakabit sakanya. Ano ba to ha?!

Agad kong hinawakan ang kamay niya. Natutulog pa kasi siya eh.

Atleast di na siya nasasaktan ngayon. Grabe kasi kanina eh. Matinding sakit ang naranasan niya kanina..

Fate's Choice (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon