Chapter 61 : Plans

2.4K 35 11
                                    

 

Julia's POV

Siguro, madami nang tumatakbo sa isip niyo.

Di to plano na ngayon lang nangyari.

Ito ang plano na pinagpatuloy hanggang ngayon..

(A/N: Flashbacks to. I picked some scene from the previous chapters :) Sana maintindihan niyo pa rin ^^)

3rd person POV

Tatlong araw nang nasa States sina Kath.

Sa tatlong araw na nagdaan, walang ibang ginawa si Kath kundi ang umiyak..

Galit man, pero di maiiwasan ang di masaktan.

Mahal niya eh.

Pero nangingibabaw pa rin ang galit.

tuwing gabi, tinatawagan ni Kath si Julia. Si Julia naman, awang awa na sakanyang kaibigan.

"Bakit nga bang kailangang humantong sa ganito?" yan ang laging naiisip ni Julia.

Naisip na nga niyang mangialam at sabihin kay Kath ang totoo pero di pa yun ang tamang panahon. Masyado pang masakit para kay Kath ang lahat.

Isang araw, nakatanggap ng tawag si Kath galing kay JC.

Ibinalita nito na may plano si Daniel na pumunta sa States para kausapin siya.

Inaamin ni Kath na masaya siya dahil susundan siya ng mahal niya..

Pero nangibabaw pa rin ang sakit na nararamdaman niya.

Kaya imbes maging masaya. May naisip na plano si Kath. Nahihibang na ba siya? Hindi. Sadyang nasaktan lang siya sa lahat ng nangyari sakanya mula noon nung sila pa ni Quen at hanggang ngayon kay Daniel..

Dala na rin ng sakit na nararamdaman, naisip niyang saktan rin si Daniel.

Siya na laging sinasaktan. Siya na laging niloloko. Siya na laging ginaganito. Gusto niyang gumanti. Mababaw diba? Pero sa sobrang sakit na naranasan ni Kath, di niyo siya masisisi..

Nabulag siya sa galit. Naisip niya na "Bakit ba ako nalang lagi ang nasasaktan? Bakit ba ako nalang lagi? Di ba pwedeng sila naman?"

Nung araw ring yun, tinawagan ni Kath si Julia para sabihin ang plano niya.

 

Plano niyang saktan ang taong mahal niya na nanakit sakanya.

Fate's Choice (Completed)Where stories live. Discover now