Chapter 8 : Crush

4.6K 55 3
                                    

Kath's POV




Ilang buwan na rin ang nakalipas at mas lalo pa kaming nagiging close ni Lester. Ewan ko ba. Lagi niya akong napapasaya. Komportable ako sakanya. Tuwing gabi, lagi kaming magchachat hanggang madaling araw. Lagi rin siyang may dinededicate na kanta para sakin. Halatang music lover. Habang lumilipas ang mga araw, mas lalo siyang  nagiging sweet sakin. Pag sa school naman, lagi niya akong nililibre. Lagi rin naman kami lumalabas at nagmamall.

PERO, hindi yun date ha. Siguro FRIENDLY DATE lang :)

Minsan nga iniisip ko, parang nagkakacrush na ako sakanya. Kasi naman, sa tuwing magkasama kami, feel ko, parang ako na yung pinakamasayang babae sa mundo. Lagi niyang pinaparamdam sakin na safe ako pag kasama ko siya. Na para bang isa akong princesa. Isa lang ang masasabi ko. An swerte ng mamahalin ni Lester.

Kaso, natatakot ako..

Natatakot akong masanay sa mga ginagawa niya.

Natatakot akong kiligin sa mga ka-sweetan niya..

Natatakot akong mahulog sakanya...

Ewan ko, pero natatakot ako. Bukod sa hindi pa ako ready, natatakot rin ako na masaktan siya.. 

Kaya nga, nitong mga nakaraang araw, mejo umiiwas na ako sakanya. Pag niyayaya niya ako, tumatanggi ako. Pag nanlilibre siya, di ako pumapayag. Pag chinachat niya ako, tinatarayan ko siya, iniisnaban rin. 

Aaminin ko, namimiss ko na rin naman siya, pero kailangan kong umiwas habang di pa grabe, habang crush pa lang at di pa nage-evolve sa love, kailangan nang pigilan. Ayokong masaktan at ayoko ring may masaktan.

Kaninang Umaga nga, tinext niya ako. Niyayaya nanaman niya akong gumala. Kaya ayun, tinext ko agad si Julia na gagala kame,pumayag rin naman siya. Pang-excuse ko na rin kay Lester..

Fate's Choice (Completed)Where stories live. Discover now