Chapter 6 : First move

5.9K 59 2
                                    

Kath's POV


Lumipas ang isang buwan, pero hindi pa rin ako fully na nakaka-move on sa ginawa ni Enrique. Hindi na rin siya nagpaparamdam. Ang sabi ni Neil sakin, hindi na rin daw madalas sumasama si Enrique sakanila. He looks wasted na rin daw. Di ko alam kung maaawa ba ako or what. Pero gaya ng sabi nina Katsumi at nina Julia, kailangan ko na raw mag-move on. I need to be happy. Live everyday without him.

Pero di naging madali ang lahat nang yun. Simula nung pumasok ako ulit sa klase, halos dalawang araw rin akong tulala, di ako masyado kumakain. Di umiimik. Di tumatawa, ni smile, wala. Walang gana sa lahat ng bagay. Kinausap na nga rin ako nina Katsumi eh. 

Flashback

(1 month ago)

Andito kami sa canteen. Kasama ko sina Katsumi, Seth at JC.

"Kath, ok ka lang ba? Kumain ka kaya? Nangangayayat ka na." pagaalalang sabi ni JC.

"Oo nga Kath. Kumain ka kahit konti. Tignan mo nga yang itsura mo, maga pa rin yung mga mata mo" pati rin si Katsumi, nagaalala..

"Wala akong gana" seryoso. Wala talaga..

"Kath, di siya kawalan. Isipin mo rin yung sarili mo. It's time to love yourself. Be happy. Kath, alam kong matatag ka. Dont let him ruin you. Tignan mo yang sarili mo? Simula nung nangyari yun hanggang ngayon, ganyan ka pa rin. Walang gana, di kumakain, ni ngumiti manlang, wala pa rin.  You look so wasted. Maawa ka rin sa sarili mo. Madami pa jan." seryosong sabi ni JC

"Di naman kasi simple yun eh. Almost 2 years rin kami at sa loob ng mga taon at buwan na yun, sakanya ko binuhos lahat ng pagmamahal ko." totoo naman eh..

"Kath, ganyan talaga. Wala na tayong magagawa. Siguro hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa." tama ka Seth. Pero..

"Eh kung hindi siya,sino? Wala na akong ibang mamahalin kundi siya. Para sakin, SIYA na talaga." feel ko iiyak nanaman ako ><

"Sakanya mo binuhos lahat kaya di ka nagtira ng kahit na konti sa sarili mo?" tinignan ko lang si Katsumi.

"Kath, mahalin mo rin ang sarili mo. Siguro yan yung nakatadhana para sayo. Ok na rin yun kasi atleast ngayon, sarili mo naman ang kailangan mong mahalin" ok. He makes sense. 

"Kath, wag mo isarado ang puso't isip mo. Malay mo may darating pa na mas deserving sa pagmamahal mo. Kath, it's not your lost. It's HIS! Tanga siya at nagawa niyang lokohin ang isang tulad mo" dagdag pa ni Katsumi. Di ko maalis ang tingin ko sakanya, dahil lahat ng sinasabi niya. Totoo. Di ko lang pinapansin kasi matigas ang ulo ko. Ayoko. 

Fate's Choice (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon