Chapter 11

154 13 0
                                    


Mabilis talagang lumipas ang araw kapag napakarami mong iniisip. Parang kahapon lang weekend pa lang tapos ngayon, magwiweekend na ulit. Maybe it's just me, no? Hay, bukod kasi kay Gin, ngayong week ko rin inaasikaso yung plano kong pagpapatayo nung school ko.

Actually, Philippine Branch yung ipapatayo ko dito. Isang building lang naman ang kailangan ko eh. Tutal Language School lang naman yung school ko. Yung main branch ko kasi eh nasa Scottland. Meron na rin ako sa Paris, London, Italy, Athens, Sydney, New York, Toronto, Tokyo, Seoul, Beijing, at Bali. Ngayon pa lang ako makakapagpatayo dito kasi naghanap pa ako nang magandang location eh.

At ngayon ngang nakahanap na ako nang venue, imi-meet ko na ngayon yung engineer na makakatulong ko para sa paggawa nang aking school.

Baka nalilito na kayo sa kung ano ba talaga ang occupation ko? Hahaha! Ganyan talaga ang life nang mga magaganda. Well, business administration talaga ang tinapos ko. Kaya lang dahil mas nauna kong naging trabaho yung modelling, ayon hindi ko na siya naiwan. Sumasideline na lang ako as Business Consultant nang Agency namin. Pero along the way nang pagmomodel ko, naisipan kong magventure sa business nang language school. Maganda kita eh. Pati palagi din naman akong nangingibang bansa eh. Pero na nga lang lately, dahil wiling-wili ako dito sa Pilipinas.

"Hi, Miss! May appointment ako kay Mr. Chua..." I told the receptionist.

"Okay po. Ano pong pangalan... Miss Sam!" Nanlaki pa yung mata nung receptionist. Nginitian ko na lang siya.

"Pasensya na, Miss Sam, ha. Fan niyo kasi ako eh. Pwede ba akong magpapicture sa inyo?"

"Pwede naman. Basta ba ikoconnect mo ako kay Mr. Chua eh."

"Oo naman, Miss Sam. Trabaho ko yun eh. Picture muna tayo para pangDP ko."

"Hahaha! Okay."

"Ayan! Salamat. Sandali lang, Miss Sam ha. Tatawagan ko lang si Sir."

"Okiedoks."

"Ayos na po. Tara samahan ko na kayo sa loob."

"Thank you." At sumunod na nga ako sa kanya. Pagkapasok ko pa lang, may familiar na akong mukha na nakita. Anong ginagawa niya dito? Wag mong sabihin na dito siya nagtatrabaho?

"Miss, pwedeng pa wait lang."

"Sige po, Miss Sam."

Agad kong nilapitan si Zaiken at kinulbit siya sa balikat.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Sabi na eh! Stalker talaga kita."

"Tsk! Sabi nang pag ako ang i-aaddress mo, admirer, hindi stalker. Di ba po, mga sir?" Tinanong ko pa yung mga engineers sa paligid namin na nanonood sa amin.

"Oo nga." Agree naman nila na natawa pa. Tinutukso nga nila si Zaiken eh. Hahaha!

"Gusto pa ata niyang i-spelling ko sa kanya eh?"

"Wag na no. Ano bang ginagawa mo dito?"

"Hulaan mo."

"Alam kong patay na patay ka sa akin pero sobrang ridiculous na nang idea na hanggang dito eh susundan mo ako. So, magpapatayo ka nang building?"

"Bull's eye! Nakuha mo, Zaiken! Matalino ka rin pala eh no."

"Tsk! Anong tingin mo sa akin? Bobo?"

Nagshrug lang ako sa kanya.

"Miss Eldridge! Nakilala mo na pala si Mr. Flores. Tamang-tama! Siya rin ang magiging engineer nang school mo. At least, hindi ko na kayo ipapakilala pa sa isa't isa. Biglang sumulpot si Mr. Chua at winindang kami.

Athena ComplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon