Chapter 17

178 13 0
                                    


Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana nang kwarto. Halos masilaw nga ako nang dumilat ko eh. Grabe yung araw, may galit ata sa akin.

Nag-unat ako at bumangon na. Anong oras na ba? Pagcheck ko sa cellphone ko, mag-i-eleven na. What the hell?

Kasalanan to ni Zaiken eh. Hanggang two o'clock ba naman kami nagstargazing. Pero napangiti na rin ako nung maaalala ko yung pagtambay naming dalawa kahapon sa labas.

"Wow! Mukhang maganda ang gising natin ah. Ganda nang ngiti eh." Pang-aasar sa akin ni Gin nang lumabas siya sa banyo at maabutan niya akong parang tanga na mag-isang na ngiti doon.

"Maganda lang talaga ako no."

"Hay nako. Kaya tirik na tirik ang araw eh."

"Anong connect?"

"Genius ka, di ba? E di ikaw humanap ang ikakoconnect nila." Sabi niya tapos lumabas na sa kwarto. Adik talaga yun si Gin.

*
Lumabas agad ako nang kwarto pagkaligo ko. Dinala ko na rin yung bote nang lotion. Uutusan ko si Gin para lagyan ako. Hohoho...

Kaya lang paglabas ko doon eh may kung anong eksena akong nadatnan. Nakita ko si John, yung ex ni Sophy na binugbog ko. May cast pa siya at nakaluhod siya ngayon sa harap ni Sophy habang nasa malapit naman nakatayo si Leo at Zaiken sa kanila. Oo nga pala, alam nga din pala ni Leo ang tungkol doon. Yung iba naman eh nakaupo at pinanonood lang si John.

Pagkakita ko sa mukha ni John eh nag-init agad ang ulo ko. Bwisit! Panira nang araw.

"Hoy, lalaking kalbo. Anong ginagawa mo dito? Hindi ba at binalaan na kitang wag ka nang lalapit kay Sophy? Nakulangan ka ata sa bugbog eh no." Maangas na sabi ko sa kanya. Napaatras pa nga siya nung bigla akong sumulpot eh. Halata pati sa ekspresyon niya na takot siya sa akin.

"H-hindi, Sam. Gusto ko lang magsorry kay Sophy."

"Ano ngayon? You've been warned still, pero hindi mo ginawa. Nagkaroon tayo nang kasunduan di ba? Umoo ka na hindi mo na siya lalapitan pa. Kaya kung ako sayo, aalis na ako ngayon din o dodoblehin ko yang cast mo."

Ngali-ngali siyang tumayo nang ambaan ko siya. "Aalis na ako. Promise hindi ko na lalapitan si Sophy. Wag mo lang akong bugbugin ulit."

Ibinaba ko na yung kamao ko. Nagmadali naman siyang umalis. Halos tumakbo pa nga eh.

"Napuruhan mo ata yung si kalbo, Sam. Takot na takot sayo eh." Sabi ni Leo.

"Gaguhin ba naman si Sophy eh." Nilapitan ko si Sophy. "Ayos ka lang?"

Binigyan niya ako nang tipid na ngiti. Mukhang napilitan lang lumabas nang kwarto tong si Sophy. Nakapajama pa eh. Di ko siya masisi. Panay paulan ni Gin ng parinig sa kanya eh. Minsan naman harap harapan na.

Ayaw namang pumatol ni Sophy. Pagdating kay Gin, tiklop na tiklop siya eh. Kahit sumosobra na si Gin, tanggap lang siya nang tanggap.

"For sure ayos lang siya, Sam. Para namang bago na siya sa panggagago nang mga lalaki sa kanya. Hindi nga ba at iniligtas din kita sa nanggago mo ring ex noon?" Umpisa na naman ni Gin. Natahimik na ang lahat at nakinig na lang sa usapan.

I just rolled my eyes on Gin. "Gin, give her a break. Pinaulanan mo na nga siya kahapon di ba? Tama na."

Hinawakan ko ang braso ni Sophy just to let her know I am here. Ihahatid ko na nga muna to sa kwarto niya baka kung ano na namang maisipan niya eh.

"OMG, Sam. I am seeing myself on you, seven years ago. Please, makinig ka sa akin. I'd been warned back then pero hindi rin ako nakinig. In the end, ako lang ang nasaktan."

Athena ComplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon