Chapter 19

190 13 0
                                    


Medyo nakakailang habang kumakain ako kanina. Pano pinanood lang kasi ako ni Zaiken eh. Kapag tinitingnan ko siya, titingin pa siya sa mata ako tapos ang seryoso pa nang itsura niya. Kapag naman magsasalita ako, magsshh lang siya. Adik!

Binilisan ko na lang tuloy yung pagkain ko. Kakausapin ko rin siya eh.

"Tapos na ako."

"Uminom ka muna."

"Kakainom ko lang ah."

"Wag ka nang makipagtalo. Uminom ka na lang."

"Pero..."

"Sshh..."

Bwisit talaga to! Ang lakas nang topak eh. Sa inis ko eh uminom na lang ako.

"Happy?"

Pero dinedma niya lang ako. Pinagcross niya yung dalawa niyang kamay sa may chest niya tapos ay tumingin sa akin.

"You first."

It took me seconds bago magregister sa akin kung anong ibig niyang sabihin. Luh! Brain? What happen to you? Uso na buffering?

"Ho hum, tagal ha." Nang-aasar pa niyang sabi.

"Sana ikaw na lang ang nauna kung ayaw mong mabore. Kita mong nag-iisip pa eh."

"Sabi mo genius ka."

"Sshh, try mong manahimik."

Buti naman at nanahimik na lang ang loko. Tsk! Mas mabuti na nga rin sigurong mauna ako.

"Zai..."

"Tsk! Don't call me that." Naiinis niyang sabi sa akin. Ano tong lalaking to? Hindi ko naman siya inaano ah.

"Don't call me Zai." Sabi niya na parang naliwanagan na ako sa lahat nang katanungan ko.

"At ano naman kayang problema kung tawagin kitang Zai? Lahat naman ng mutual friends natin yun ang tawag sayo ah. Bakit ako hindi pwede? Ang arte mo talaga no."

"Tsk! Basta wag mo akong tawagin nun. In case you haven't noticed, we're both calling each other with our full first names since the beginning."

"Ah, so you want us to remain strangers. Okay, sana sinabi mo na lang."

"Makulit ka rin eh no. I don't intend that as a sign of strangeness. I want something unique between the two of us. Pero kung ayaw mo, edi di wag."

What the?! Unique? Kasynonym yun nang special di ba? So he wants something special between us? Eh bakit hindi na lang couple names like honey, baby? Ugh! Alam ko na kung bakit. Ang corny kasi eh.

Nagshrug na lang ako. Okay then! First full name it is.

"Zaiken..."

I saw his small smile before answering. "O?"

"Ayie! Wag kang kiligin." Pang-aasar ko sa kanya.

"Tsk! Mag-umpisa ka na lang."

"Oo. Eto na nga eh." Tapos ay umubo muna ako at huminga malalim. Okay, Sam. It's time to get serious. "Zaiken... Aish! Why is this so hard?! Kainis. Alright, eto na talaga... Uhm, nagkabalikan na ba kayo ni Gin?"

"Pfft..."

"Wag mo akong tawanan. Bwisit na to. Sagutin mo na lang kaya ako. Pinahihirapan mo na nga ang kalooban ko, natutuwa ka pa?"

Nagseryoso naman bigla ang mukha niya. "I don't intend to make you feel like that."

"Sshh... Oo o hindi lang."

"Hindi."

Napahinga naman ako nang maluwang. "Oh geez! You have no idea how relieving it is to know that. Kanina kasing hindi ko pa alam, ang hirap huminga eh. Sobrang dami ko nang pinagdaanan sa buhay pero yung sakit na naramdaman nito kanina *points at left chest* is incomparable with anything that I had ever felt before. Every breath I take parang may tumutusok sa puso ko. Ibang klase!"

Athena ComplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon