Epilogue (Special Chapter 1)

267 17 0
                                    


"Sam, andito na si Zai." Sabi sa akin ni Judy. Agad naman akong napangiti. Napatigil tuloy si ateng na make-up artist sa pag-aapply nang lipstick sa akin.

"Papuntahin mo na lang siya dito."

"Okay. At wag kang masyadong kiligin ha." Panunukso pa niya sa akin. Talaga tong si Judy.

"Ateng, pakibilis sa pag-aayos sa akin ha." Sabi ko dun sa baklang nag-aayos sa akin.

"Eto na ang honey mo, Sam." Sabi ni Judy nang bumalik siya at kasama na niya si Zaiken. Sakto namang kakatapos lang ni Ateng.

"Tara, ateng. Iwan na muna natin ang love birds." Sabi ni Judy at iniwan na kami kasama si ateng make-up artist.

"Hi." Bati niya sa akin.

"Hey." I greeted him back at saka ko siya nginitian nang malawak. "Upo ka muna." I offered the other model's chair na katabi lang nung akin.

"So, I can't kiss you, can I?" He asked as soon as he sat down.

I chuckled. "Sorry. Hindi pwede eh. Nakaayos na ako. So tiis tiis muna."

"Tsk!" Tapos ay inilibot niya ang mata niya sa set namin.

First time niya akong pinuntahan sa photoshoot ko. Ewan ko nga kung anong naisipan niya eh. Nagulat na nga rin lang ako nang tinext niya na lang ako kanina na pupuntahan niya daw ako. Mabuti na lang hindi kami lumabas nang studio ngayon. Minsan kasi nagshushoot kami sa iba't ibang venue.

"So, what's with you at bigla mo akong pinuntahan?" I asked him.

"Wala lang. Day off ko ngayon eh."

"Halos lahat naman ata tayo day off ngayon eh."

"Day off ka pa sa lagay na to no."

"Unlike naman kasi sa mga trabaho niyo, ang mga schedules ko eh nakaset na a month before. Kaya nga ang hirap kapag biglaan yung mga important events eh. Buti nga pinayagan akong maghalf-day."

"Sabi kasi sayo umabsent ka na lang eh."

"B.I. ka talaga."

"Joke lang." Tapos ay kinuha niya ang mga kamay ko. "You look different talaga kapag nakaayos ka nang ganyan."

"Malamang. Hindi naman kasi applicable na araw araw akong magmemake up nang ganito no. Kapag may photoshoot lang."

"Ano bang theme niyo ngayon?"

"Secret. Malalaman mo na lang yun mamaya." I told him saka ko siya kinindatan. Hindi ko talaga gustong sabihin sa kanya ang theme ngayon. In fact, I tried to stop him kanina na pumunta dito. Kaya lang ayaw magpaawat eh. Pano, sexy kasi ang theme namin ngayon. Aphrodite inspired ang photoshoot ngayon kaya medyo maraming skin ko ang exposed. In fact, if you're familiar doon sa usong get up ngayon nang mga artista na swimsuit-like at white see-through ankle length na parang cardigan? Ganun yung susuutin ko ngayon. Actually, suot ko na yung swimsuit-like under nitong robe ko.

"Sam, are you ready? Magi-start na tayo maya maya." Biglang lumapit sa akin si Max Montez. Siya yung may-ari nang Maxim Corp. at personal niyang minomonitor ang photoshoot namin for their magazine ads.

"Oo naman, Max. Last na tong theme na to di ba?"

"Oo. Hindi naman halatang excited ka no?" He told me while smiling. Then bigla siyang napatingin kay Zaiken at sa kamay naming magkahawak. Biglang nawala ang mga ngiti niya.

"Ah, Max, eto nga pala si Zaiken Flores, boyfriend ko. Zaiken, eto naman si Max Montez, may-ari nang Maxim Corp."

"Boyfriend mo?"

Athena ComplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon