Chapter 12

164 12 0
                                    


"Pupunta ako kanila Sophy. Sinong sasabay or may ipapasabay?" I announced nang matapos akong kumain.

"Ay ako! May pinaaabot yung boss namin sa kanya eh. Eto o!" At inabot sa akin ni Bea yung mga papel na para kay Sophy. Officemates kasi sila eh.

"Ibibigay ko lang to sa kanya?"

"Oo. Alam na niya ang gagawin dyan. Salamat, Sam!"

"No problem." Tapos tumayo na ako. "Judy, baka malate ako nang uwi ha. O kaya naman kapag pumayag si Sophy, doon na lang ako matutulog sa condo niya."

"Okay. Pero subukan mo pa ring umuwi."

"Magcocommute ka lang?" Tanong sa akin ni Zaiken.

"Oo. Hindi naman yun gaanong kalayo dito."

"Sabay na tayo papunta doon."

"Ayie! Para-paraan ni Baby Zai o. Hehehe..."

"Wag nga kayong mang-asar! Mamaya bawiin pa niya bigla eh. Imbis na libre na ako nang pamasahe, naging bato pa. Tara na nga, Zaiken."

"Tsk!"

*
"Dito rin pala condo niyo ni Leo?" I asked Zaiken nang sumakay kami sa elevator papuntang fifth floor.

"Oo. In fact, sabay-sabay naming kinuha nila Sophy itong mga condo namin. Kaya nga, magkakatabi din yung mga unit namin."

"Ahhh..."

"Ahm, excuse me po." Sabay kaming napalingon doon sa batang babae na nasa harapan namin.

"Ikaw po di ba si Sam..."

Nagcrouch ako sa harap. Ang cute naman nang batang to. Ang tambok nang pisngi.

"Oo. Eh ikaw?"

"Ako po si Diane. Pwede po ba akong magpapicture sa inyo? Di ba po, sikat kayong model?"

Tumango ako sa kanya habang nakasmile. "Sige picture tayo."

"Yehey!" Tapos lumapit siya bigla kay Zaiken.

"Kuya, pwede po bang picturan niyo po kami ni Ate Sam?"

Mukhang dededmahin sana ni Zaiken yung bata. Sinamaan ko nga nang tingin. Eh di ayon, walang palag ang mokong. Hahaha!

"Ayan! Salamat po, Ate Sam." She hugged me tapos hinalikan pa niya yung cheeks ko. OMG! Cute talaga niya.

Biglang nagding yung elevator. Nagpaalam na ako sa bata at lumabas na kami sa elevator. Alam ko na naman yung unit ni Sophy kaya ayos lang na mauna na ako kay Zaiken.

"Susunod na lang ako. Magpapalit lang muna ako."

"Okiedoks!" And nagpartways na kami.

Alam niyo, hindi lang halata, pero sobrang close kami nito ni Sophy. Medyo kakaiba lang talaga siya kasi lagi niya akong binabalahura at binabara. Hahaha! Pero ayos lang naman. She's the meanie and bully type, anyway. Kaya siguro ganun. Pero mabait siya.

Ininput ko na yung passcode ni Sophy at bumukas naman ang pinto. Pero pagpasok ko pa lang sa loob, ang dilim na.

"Sophy?" I asked loudly at flinick yung switch nung ilaw.

Iginala ko agad ang mata ko sa condo niya. Tsk! Hindi ba nalulungkot dito si Sophy? Ang laki-laki nang condo niya pero mag-isa lang siya dito. Ayaw naman niya sa condo namin ni Judy. Masyado daw kaming maingay.

"Sophy! Yoohoo! Andito ang BFF mong maganda. Where are you ba? Lumabas ka na diyan. Hindi tayo naghahide-and-seek dito."

Inisa-isa ko yung mga kwarto. Pero wala talaga. Hanggang sa makaabot ako doon sa harap nung pinakamalaki sa lahat nang kwarto doon. Pagbukas ko, tumambad agad ang kadiliman sa akin.

Athena ComplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon