Chapter 15

162 17 0
                                    


Mabilis na lumipas ang isang linggo. Kahit pa nga ang saya ko nung lumabas kami ni Zaiken, hindi pa rin naalis noon yung anxiety ko. Iniiwasan ko ngang magpakita sa barakada eh. Baka kasi makahalata na sila that I am really quite distress right now. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kapag may nagtanong sa akin kung anong problema ko. Di bale, the D-day is near. Matatapos na rin to.

Friday, 13 February

Luh! Friday the 13th pala ngayon. Grabe naman. Bakit parang bad premonition lang ang datingan? Tama ba tong Calendar ko?

Pero mukhang tunay nga, dahil nag-umpisa nang umariba si kamalasan. Eto nga at saktong paglabas ko nang taxi para pumunta na sa Stopover eh biglang bumuhos ang malakas na ulan. Naman!

Tinakbo ko tuloy hanggang Stopover. Nakaheels pa naman ako at see-through tong 3/4 na pang-ilalim ko kahit pa black siya. Nakacorporate kasi ako ngayon dahil sinama ako ni madam doon sa meeting niya. Mabuti na lang laging magaganda ang bra ko.

"Sam! Bakit ka nagpaulan? Jusme ka namang babae ka. Kapag nagkasakit ka niyan." Salubong agad sa akin ni Judy. Tinulungan niya ako doon sa bag ko at inalis niya rin yung coat ko na sobrang nabasa.

"Tsk! Dumeretso ka na sa banyo, Samantha. Alam mong manipis yang pang-ilalim mo, nagpabasa ka pa sa ulan." Pinagalitan pa ako ni Zaiken. Naman!

"Naabutan ako bigla pagkababa ko nang taxi. Pati wala akong pamalit."

"Hay nako. Dumeretso ka na don. Iaabot ko na lang sayo doon yung baon kong shirt. Wag ka nang mag-inarte ha. Wala ka nang choice."

"Nagrereklamo ba ako? Bilisan mo lang ha."

*
"O." Inabutan agad ako ni Zaiken nang isang towel nang makalabas ako nang banyo suot yung shirt niya. Ewan ko lang kung anong itsura ko. Medyo maluwang yung shirt niya tapos nakapencil-cut skirt pa rin ako at nakaheels.

"Salamat." Sabi ko sa kanya nung abutin ko yung towel saka ipinunas sa ulo ko. Nakita ko naman na tinignan niya ako from head to toe tapos ngumiti siya bigla.

"Kung ako lang, ayos ng ganyan ka. Kaya lang, alam ko namang may pagkamaarte ka sa damit. I-tuck-in mo na lang yung shirt sa skirt mo."

Ginawa ko naman yung sinabi niya.

"Hindi na pumasok nang banyo eh."

"Hindi naman ako nakahubad eh so bakit pa? Ayos na ba?"

"Halika dito."

Lumapit naman ako sa kanya tapos tinupi niya yung manggas nang shirt niya, magkabilaan. "Yan, ayos na."

"Kelan ka pa naging fashion guru?"

"Ngayon lang. Pasaway ka kasi eh." Tapos pinisil niya yung pisngi ko. "Wag ka nang magpapaulan ulit ha. At wag mo nang susuutin yung ganung pang-ilalim. Di ka naman sexy, nagsusuot ka pa nun."

"Ah ganun? Ganun ulit ang isusuot ko. Yun lang!"

Tinulak na naman niya yung noo ko gamit ang index finger niya. "Sapak."

"Retard."

"Tsk! Halika na nga don. Mamaya kung ano-ano nang pinagkakaabalahan nang mga yun eh." Tapos ay hinawakan niya yung kamay ko. Holding hands kami habang papunta sa VIP room.

Napansin niyo rin ba? Ang clingy niya ngayon no. Bakit kaya? Baka nainlababo nang tuluyan sa akin gawa nung last friday? Hmmn... May chance!

*
"Oh my God! Am I seeing it right?"

"Bakit kayo magkaholding hands?"

"Yon! Mukhang nakaporma na si Zai ah."

"Kayo na ba?"

Athena ComplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon