Chapter 14
"Bata pa lang nakakatulong na kaagad sa mga magulang niya! Sana ganun din ang anak ko, kaso tamad 'yon at walang ibang alam kung hindi mag-cellphone!" Basa ni Cielo sa komento ng ibang tao sa post ng tungkol kay Mara.
She applied into a model agency, natanggap siya and I am glad with it, pero sa mga komento ako hindi natuwa. Some of comments were about their children, kinukumpara nila ang nga anak nila kay Mara.
"Maria Arandelle Zachary! Sikat pala ang kapatid mo 'no? Bakit hindi ko alam 'yon?" Tanong ni Anne at umupo sa harapan ko.
I just shrugged my shoulders on her. I fixed my hood before drinking the water in front of me. Sumandal ako sa sofa na inuupuan ko bago mapabuga ng hininga. I am thinking about what those children feel about the comments of their parents? Sa pagkukumpara nilang 'yon, halata naman na si Mara ang panalo dahil sume-sweldo siya sa agency na 'yon, pero naisip ko na hindi dapat nila kinukumpara ang mga anak nila kay Mara.
I am happy for Mara, I even greeted her but she did not bother to seen my messages, marahil natatabunan 'yon ng ibang message. Kapatid ko siya kaya nararapat na sinusoportahan ko siya, and that's the only thing that I can do for now.. support her from afar.
"Anong balak mo?" Tanong ni Jean habang umiinom ng juice na tinimpla ni Anne.
I sighed before shaking my head.
"Hayaan siya. Wala naman akong ibang magagawa roon," sabi ko at pilit na ngumiti.
"Sabagay, pero 'yong mga comments ng ilang mga magulang doon, ang harsh! Grabe kung maka-kumpara sa mga anak nila at doon sa kapatid mo!" Bulyaw ni Jean dahilan para mapabuga ako ng hangin.
"Ang mali lang naman nila ay 'yong pagkumpara nila sa anak nila at kay Mara. Children doesn't deserve those words na masasakit, lalo na at mula pa sa mga magulang nila." I said with my lower voice.
"Sa true!" Sabat ni Cielo at umupo roon sa kabilang parte ng sofa.
I was about to stood up but suddenly the door opened. I saw Sebastian with Nicole, akbay akbay ni Nicole si Sebastian at mukhang may tama si Sebastian, kailan pa 'to natutong uminom? Kaagad akong lumapit doon sa sobrang pagkabigla at tinulungan si Sebastian na pumunta sa may sofa.
"Anong nangyari diyan?" Takang tanong ko kay Nicole at tinuro si Sebastian na nakahiga sa sofa.
Nicole sighed heavily before putting her hands in her forehead, she looks frustrated.
"Si Arcosta kasi! Nakita namin may.."
"May?" Tanong ni Cielo at pinagtaasan ng kilay si Nicole.
"She cheated on me.." Sebastian suddenly said from the sofa.
My lips parted while looking at him, mukha siyang wala sa sarili niya. Nagulat pa kami ng bigla siyang umayos ng upo sa sofa at tinignan kami.
"Saan ba kasi ako nagkulang?! Pucha!" Sebastian said with his teary eyes.
Kaagad na bumalatay sa mga mata ko ang sakit ng makita ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. I cannot see them in this kind of situation, nasasaktan din ako.
"Tangina no'n, Binigay ko lahat sa kanya! Atensyon ko, puso ko, mga bagay na kailangan niya.. tapos! 'Yon siya.. may iba pa lang gusto!" Sebastian ranted again, between his sobs.
"Masusugod ko talaga 'yang Arcosta na 'yan! Nanggigil ako!" Gigil na sabi ni Anne sa gilid habang mariing nakatingin kay Sebastian.
Wala sa sarili akong napalapit kay Sebastian at hinawakan siya sa balikat pero tinabig niya ang pulsuhan ko dahilan para bahagya akong mapadaing.. my wrist was still full of cuts, kaya naka-hood ako. Binalewala ko 'yon dahil alam kong lasing lang si Sebastian and he didn't know about my cuts kaya wala akong dapat na ikagalit.
