45

63 8 0
                                    

trigger warning: death, sensitive content

ps: all the things that will happen in this chapter is just purely made on FICTION.

"Alagaan niyo si Leyan dito ha, ilang linggo lang kaming mawawala," sambit ko sa mga kaibigan ko.

Naroon sina Anne, buong Uno, at lahat ng Irons. 

"Oo naman, Alauna 'no! Hindi p'wedeng hindi. Baka kaltukan kami ni Master niyan," aniya ni Lei kaya sinamaan siya ng tingin ni Yaelle. 

Nilingon ko si Anne nang hawakan niya ang kamay ko. "Mag-iingat kayo ro'n, ha? Please lang, pagbalik niyo rito sa Pilipinas dapat ay wala ng buhay 'yang leche na 'yan!" Itinuro niya si Rudolfo na ngayon ay nasa loob ng korte at mayroong mga pulis na nakapalibot sa kanya.

Ngayon ang araw na lilipad kami sa Tsina para roon gawin ang death penalty ni Rudolfo. Yaelle asked me what I wanted to happen to his Lolo. And I answered that I want him dead, I want him to be punished by the death penalty. 

Handa akong pumunta sa ibang bansa para ro'n. Naalala ko pa no'ng kinausap ko ang pamilya nila.

"What do you want to happen, Alauna?" tanong ni Tita sa 'kin, nanay ni Yaelle. 

Tinitigan ko sila. Walang kahit anong takot, pag-aalinlangan, at pag-iyak ang nangyayari ngayon. Marahil ay napag-usapan na rin nila itong pamilya.

"Kahit anong desisyon mo, Alauna, ay buong puso namin tatanggapin. I know how hard it is to be a rape victim." Tita said, napatungo ako. 

Yaelle told me na Tita experienced that thing too, but not with his Father or other relatives. Kaya alam at naiintindihan ni Tita kung ano ang nararamdaman ko. 

"Tell us, Alauna. Kami ang bahala sa 'yo, kami ang kakampi mo. Huwag ka sanang matakot sa amin, hija. Magtiwala ka sa amin na tutulungan ka namin, ng pamilya namin," aniya naman ni Tito.

Hinawakan ni Yaelle ang kamay ko. "I told you, they are willing to help us, Alauna."

Binalot kami ng matagal na katahimikan.

"Ang tagal kong nagdusa sa puder niya, halos mawalan na ako ng pag asa na makakaalis pa 'ko roon. Araw araw akong nagmamakaawa sa kanya, sa tuwing sasaktan niya ako." Nagsimulang manumbalik sa akin lahat. 

"Binenta ako ng mga magulang ko, naiintindihan ko 'yon, pero w-wala siyang karapatan na saktan ako. Sinaktan din nila 'ko no'n. . . bago ako mapunta sa puder niya. Idagdag mo pang graduation ko 'yon, 'yon 'yung araw na pinakahihintay ko. Pero wala, eh." Tumulo ang luha ko.

"Nagmakaawa ako sa kanya na. . . magta-trabaho nalang ako para mabayaran 'yong utang na mayroon ang pamilya ko. But he did not let me, instead, he raped me. The following days, he would hurt me, using a small knife." Tumingin ako sa kinaroroonan na preso ni Rudolfo, naroon siya, nakahiga. 

Napatakip si Tita sa bibig niya.

"He scratched the knife at my back, on my cheeks. Dumugo lahat 'yon, pero anong ginawa niya? Wala siyang pinalampas, kahit punong-puno ng dugo ang katawan ko, ni-rape niya 'ko. Gano'n siya kasahol." Tumigil akong sandali. "Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ako nabubuntis. . . kaya sana maintindihan ninyo kung gugustuhin kong pumunta ng ibang bansa at patangan siya ng death penalty." Mariin kong tinitigan si Rudolfo na ngayon ay nakabangon na at natatakot na nakatingin sa akin.

"Hindi! Hindi p'wede! Huwag kayong makinig sa kanya!" sigaw ni Rudolfo, nakahawak sa rehas. "Hindi totoo 'yan!" sigaw pa nito. 

"P'wede ba?! Manahimik ka muna, sinungaling ka eh!" sabat ni Grace. 

Pinandilatan ko siya. "Grace, tama na 'yan," anas ko.

Nilingon kong muli si Tita ng hawakan niya ang kamay ko. "Tatanggapin ko 'yan kung 'yan ang gusto mong mangyari, Alauna." 

YESTERDAY'S Where stories live. Discover now