Chapter 38
I was holding his small knife while looking at this fucking old man who did nothing but to hurt me. Nakahiga siya at mahimbing na natutulog pero ako ay gising na gising pa habang hawak ang maliit niyang kutsilyo na palagi niyang ginagamit sa akin.
"I was raped by you.." Mahinang sambit ko at kaagad siyang sinaksak mula sa likod dahilan para kaagad siyang magmulat.
"What did y- Ahhh!" Napasigaw siya nang idiin ko lalo ang kutsilyo sa likod niya.
"Dapat sa'yo pinapatay!" sigaw ko bago tumayo sa pinagkakahigaan ko.
I was about to kill him again pero biglang merong tumapik sa akin. Nagising ako at nakita ang namamawis na si Grace habang nakatingin sa akin.
"Ate, nananaginip ka." Natataranta pa ring aniya dahilan para kaagad akong mapabangon.
Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Rudolfo na nakahiga sa kama. Kaagad akong napatingin kay Grace bago binaling ang tingin kay Leyan na natutulog.
"G-grace, tatakas tayo.." mahinang sambit ko pa kaya kaagad na nanlaki ang mga mata niya.
"S-sigurad-"
"Oo.." Putol ko sa kanya bago tinanggal ang kumot ko ng dahan dahan.
Binabantayan ko ang paggalaw ni Rudolfo habang dahan dahang lumalabas sa kwarto si Grace. Kaagad akong sumunod sa kanila nang makalabas sila, nakakita pa ako ng isang Guard na kinakausap si Grace.
"T-tulungan mo na lang kami kung gusto mo pang mabuhay, hayop ka." Dinig kong bulong ni Grace sa Guard nang makalapit siya roon.
"A-ayos lang po ba kayo?" Magalang na tanong ng lalaki sa akin kaya napatango ako.
"Oo, tulungan mo lang kami na makalabas dito." Mahinang sabi ko kaya tumango siya at kaagad na lumapit sa pintuan.
Pinauna ko na sila para kaagad akong makapagbantay doon. Nang makalapit kami sa gate ay kaagad kong dahan dahan 'yong binuksan. Nang malalabas kami ay kaagad akong napangiti nang makita ang dilim na nandoon.
"Sige na.." mahinang sambit ko habang nakatingin kay Grace.
My lips formed a smile when a taxi suddenly appeard on the street, kung nasaan kami. Kaagad akong napangiti pero natigilan nang makitang nagising si Leyan.
"Mommy, where are we going?" Mahinang tanong sa akin ni Leyan dahilan para mapangiti ako sa kanya.
"We are going somewhere, do you want that?" Ngiti ko kaya kaagad siyang tumango sa akin.
"Big na po ako kaya pwede na akong lumabas? I am already four na po," maliit ang boses niya ng sabihin niya 'yon.
"Yes, baby." Ngiti ko at kaagad na tumingin kay Grace.
Nakita ko pa ang pagtatalo ng dalawa, si Grace at 'yung Guard nang makapasok kami sa Taxi na 'yon. Nagising na rin ng tuluyan ang diwa ni Leyan dahil doon.
"Hi, Kuya Driver!" Bati ni Leyan doon sa Driver dahilan para mapalingon ang Driver kay Leyan.
"Hello." Bati pabalik ng Driver pero halos manigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ang boses niya.
