26

38 11 0
                                    

Chapter 26

"Happy New Year, Uno!" sigaw ni Anne habang nakatingin sa amin. I smiled at her before looking at the sky.

They decided to celebrate their New Year with me here in our house. Wala sila Mama rito dahil hindi naman sila umuuwi rito, wala akong kasama kung sakaling wala ang mga kaibigan ko rito, pati na rin ang Irons.

"Happy New Year, Alauna." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Yaelle sa gilid ko, meron pa siyang hawak na paper bag sa isang gilid kaya bahagyang naningkit ang mata ko roon.

"Ano na naman 'yang hawak mo? Baka mamaya regalo na naman 'yan." Mariing sambit ko dahilan para matawa siya sa akin.

"Your are not wrong, though," sabi niya bago nilabas ang bagay na naroon sa loob ng paper bag.

Naningkit pa ang mata ko nang makitang dalawang jersey 'yon. I raised my brow on him before looking at those jersey. Binulatlat niya 'yon at hinarap sa akin ang likod ng jersey na 'yon.

Alauna Laurens Zachary - 16

That's the word na nakalagay sa likod, umawang ang bibig ko dahil do'n. I didn't know kung saan niya 'yon pinagawa, maganda masyado. It was colored by maroon and the color of the words were white, ang ganda pala no'n kapag pinag-combine mo.

"Eh, ano 'yang isa?" Takang tanong ko at tinuro ang isa pang jersey na hawak niya.

Tumawa muna siya nang mahina bago ipinakita sa akin ang jersey na hawak niya. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang numero na nakasulat do'n sa jersey na 'yon.

Yaelle Kierson Micolai - 12

Ang birthday ko ay 12 din ang number pero hindi ako nag-assume, pero bakit 12 ang number na pinalagay niya. Napailing na lamang ako sa sarili kong naiisip.

"Maganda ba? Hindi ako tumatanggap ng hindi," aniya kaya naman napirap ako.

Ang kapal ng lalaking 'to! Nagtanong pa tapos hindi raw siya tumatanggap ng hindi, ang sarap niyang kutusan sa totoo lang! But the design of it was nice, though simple lang talaga 'yon.

"Maayos naman, maganda 'yung color." Simpleng sabi ko at pinagkrus ang mga braso ko sa harapan ng dibdib ko.

"Ma-"

Yaelle suddenly stopped because of the noises coming from the children. Nagsisimula na rin silang magpaputok at mag-ingay gamit ang mga torotot nila. I smiled before looking at the sky, mas maganda pala ang alapaap kapag gabi.

Ngayon ko lang yata nagustuhan ang ingay na nagmumula sa ibang tao. Ngayon ko lang kasi naranasan magdiwang ng bagong taon na wala sila Mama, kasi kapag nandito sila kulong lang ako sa kwarto dahil hindi ko naman gugustuhin na lumabas at mag-celebrate kasama sila.

"Bagong taon, magbagong buhay ka na rin!" Halakhak ni Anne at binatukan si Lei dahilan para kaagad siyang samaan ng tingin ni Lei.

"Ah talaga ba, Anne? Talaga ba? Sure na?" Irap ni Lei at kaagad siyang hinampas sa braso.

Natawa na lamang ako bago napatingin sa kabilang banda. Naningkit ang mata ko ng makita si Cielo at Jean na nag-uusap doon sa isang banda, mukhang seryoso pa yata ang pinag-uusapan nila kaya hindi na lamang ako sumingit. Napangiwi naman ako nang makita ang mga Irons na kumakain sa isang gilid ay may mga hawak pang torotot na akala mo mga bata.

I lifted my weight on our gate, para roon tingnan ang mga taong nagc-celebrate ng Bagong Taon. My lips formed a smiled when I saw Patricia with some children, mukhang ngayon lang siya nakaranas ng ganito. When I look at the other side, I saw Yaelle staring at me, intensely reasoned why my lips parted.

YESTERDAY'S Where stories live. Discover now