CHAPTER 36

323 26 4
                                    

[Zevi’s Pov]

ARAY!” Sigaw ko dahil sa biglaang pagdagan ni Alicia sa akin.

Ateeeee! Alas singko naaa! Bangon, bangon! Ligo na tayo, excited na ako.” Sigaw niya habang nakadagan pa rin sa akin.

Sisigawan ko sana siya kaso tiniis ko na lang ang pagkakadagan niya sa akin.

“Oh sige, maligo ka na doon, so we can eat breakfast at tara na.” Sabi ko sa kaniya.

“YEHEY!” Sabi at tumalon talon pa siya sa tuwa at tumakbo na palabas papunta sa kwarto niya.

Ibinagsak ko ulit ang katawan ko sa kama para umidlip pa sana, maaga pa naman eh.

ATEE!”

“Ah oo, babangon na!”  Gulat na sabi ko at napabangon pa ng wala sa oras dahil sa biglaang balik ni Alicia para patili akong tawagin para gumalaw na.

Napakamot na lamang ako at kinuha ang twalya ko at dumeretso sa banyo ko para maligo.

Pero dahil sa naiihi ako ay umupo muna ako sa bowl, inaantok pa rin, naipikit ko ang mga mata ko habang umiihi para pagbigyan ang antok ko.

ARAY!” Pasigaw na daing ko dahil sa pagkakahulog ko at nauntog pa sa may sink.

Sapo sapo ko ang gilid ng noo ko habang parang tangang nakababa ang salawal at panty na nakaupo sa sahig.

Kita ko ba bulbul ko, maahitan nga.

Hinintay ko munang mawala ang sakit at hilo ko bago ako tumayo at hinubad na lahat ng suot ko.

Pagkaharap ko sa salamin ay umaagos ang maliit na dugo mula sa sugat ko sa noo.

Anak ng kubeta naman, oo!” Inis na sabi ko at binuksan ang shower para iagos ang dugo.

Kasabay ay naligo na din ako.

“Aw, aw, aw, aw!” Daing ko dahil sa hapdi ng sugat kong nalagyan ng shampoo at nasabunan pa kaya agad agad din akong nagbabanlaw.

Mabilisan na lang din ang pagligo ko dahil mahapdi talaga.

Pagkatapos ko ay naghanap na ako ng gamot at ginamot ang sarili ko at tinapalan nalang ng band aid.

Nang makapag ayos na at lahat lahat ay bumaba na ako dala ang bag ko at nasa baba ni si Alicia kasama si Abuel at mama na katatapos lang ata magwork out dahil nakapang gym outfit siya.

“Anong nangyari diyan sa noo mo?” Sabay sabay nilang tanong.

Nauntog sa sink, maliit lang naman po.” Sabi ko at ngumiti na lamang sa kanila.

“Oh sige, kain na kayo para maaga kayo pumunta sa school.” Sabi ni mama.

Ilang araw na si mama dito.

“Ma, wala kang shooting? O ano?” I asked.

“I'm on leave my dear at wala pa akong kontrata since tapos na ang ginagawa naming movie, tapos na din ang conference or what, hindi na muna ako tatanggap na ano mang kontrata, gusto ko pa magpahinga.” Sabi niya.

Mabuti naman po kung ganoon.” Sabi ko at nagpatuloy na kami sa pagkain ni Alicia hanggang sa natapos na nga kami at napaka aga pa, alas sais palang.

A TALE OF MISCHIEVOUS ALLIES [SERIES #3] ●COMPLETED●✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon