HULING PAGTANGIS

5 0 0
                                    


M

insan na kitang masilayan
Namumutawi sayong mga mata ang kalungkutan
Hindi ko batid kung ano ang iyong pinagdadaanan
Hindi man kita kayang lapitan

Dumating sana ang panahon na tayong dalawa
Ay muling magkikita
At ipapangako ko sa tadhana
Na kahit anong mangyari hindi kana muling tatangis pa

At nangyari nga ang ninanais ng aking puso
Natagpuan kita o maaari ko bang sabihing "Natagpuan mo ako"
Sa hindi inaasahang panahon ay natagpuan mo ang puso ko
Hindi ko mapagtanto kung panu pero ang saya sa puso ko ay totoo

Hanggang sa dumating ang panahon na hawakan mo ang kamay ko
Simbolo na tinatanggap mo na ang pag-ibig ko sayo
Simula nun ay mas naging malinaw na sakin ang mundo
At lalong tumibay ang aking prinsipyo

Sa ilang buwan na magkasama tayo
Alam kung pagmamahalan natin ay tunay at totoo
Lahat ay kaya nating ipanalo
Binuo ako ng pagmamahal mo

Ngunit paumanhin sinta
Kung hindi na tayo maaaring magpatuloy pa
Nasasaktan din ako kasi wala na akong magawa
Lalo ka lang mapapahamak kapag kasama kita

Sa piling ko ay lalo kang lumaluha
Patawad dahil hindi ko ito napigilan sinta
Sa huling pagkakataon hayaan mong hagkan kita
Tatangis ka man ngunit alam kong ito ay huli na

Señorita
Isang pambihirang dalaga
Aking sinta, sana'y lubusan ka ng maging maligaya
Malaya ka na
💙

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now