"MANLOLOKO"

19 0 0
                                    


Oy akala ko ba may kasintahan ka na
Bat lumalande kapa sa iba
Ang bilis mong maging komportable sa kanya
Yung kasintahan mo sa malayo naiisip mo pa ba?
-
Bago ka humarot sa iba
Inisip mo ba yung taong pinagtiwalaan ka?
Yung taong pinagtiwalaan ka kahit nasa malayo sya
Pero loko ka! ginawa mo syang tanga
-
Wag mong iparamdam na mahal mo na yung tao
Kung madami naman silang sinasabihan mo
Yung tipong hindi lang kayo nagka intindihan
Hahanap ka agad ng kalandian
-
Isang araw makakahanap ka ng katapat mo
Yung taong yon yung magpaparamdam sayo
Kung gaano kasakit maloko ng taong minahal mo
Habang ikaw naman tong nagseseryoso
-
Ipagpatuloy mo yang kalandian mo
Tingnan na lang natin kung may magseryoso pa sayo
Binalewala mo yung taong minahal ka na ng totoo
Sabagay nasa dugo mo na yung pagiging MANLOLOKO

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon