"PANAKIP-BUTAS"

12 0 0
                                    


Di ko alam kung saan mag uumpisa
O kung tama pa rin ba
Na ikaw na naman ang paksa
Sa gagawin kung tula
Pero teka!
Ako na ba?
O sya parin talaga?
-
Sabi mo kasi wala na
Pero ramdam ko sa bawat bigkas mo sa mga salita
Nakikita ko siya
Nandiyan pa rin siya
At hindi parin nawawala
-
Natatakot kasi ako
Na mahulog para sayo
Mahulog at hindi masalo
Dahil sa sya parin ang laman ng puso at isip mo
-
Sabi mo kasi napapasaya na kita
Ngunit may lungkot parin pala
Sa iyong mga mata
Namimiss mo yata siya
-
Tama ba'ng ituloy pa ito?
Baka sa dulo'y wala ring tayo?
At ma iiwan na lang akong mag isa sa dulo?
-
Ayoko nang masaktan
Kasi ang tanging hangad ko lang naman
Ay ang iyong kasiyahan
Sinusugal ang aking kabuuan
Laging nagtatapang-tapangan
Pinapairal ang katangahan
Sigurado ka ba sa iyong nararamdaman?
Kasi parang ang lahat at puro kasinungalingan
At wala naman talagang katotohanan
-
Nakakatakot na baka magising na lang ako isang araw
Na wala na yung ikaw
Ikaw, na pumukaw
Sa puso kong ikaw na ang sinisigaw
Ngunit di kana lumitaw

Spoken Word PoetryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora