"HULI NA"

6 0 0
                                    


Loko-loko tong puso ko
Bakit ngayon ko pa nararamdamang to
Sinisigaw ng puso ko ang pangalan mo
Tila wala na naman siya sa tamang huwesto
-
Kung kailan huli na, saka ko pa to nararamdaman
Bakit ngayon pa kung saan mag iiba na kami ng tatahakan
Naging madalas man ang minsan
Subalit ni minsan di ka nawala sa akinh puso't isipan
-
Pero teka! Tila naguguluhan na ang aking mundo
Patuloy na tinatanong ang sarili ko
Ano ba itong nararamdaman ko?
Pero hindi, hindi maaari to!
-
Pilit kung pinipigilan
Itong aking nararamdaman
Kailangan kong itago to sa kalungan
At ang kandado ay itapon na sa kawalan
-
Marami na ang araw na nagdaan
Mga araw na dapat sana tayo'y nagka intindihan
Huli na para ipahiwatig tong nararamdaman ko
Kasi nakikita na kita ngayon na masaya sa ibang tao

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now