"MAY LABEL BA"

15 0 0
                                    


parang tayo
pero parang di totoo
walang tayo
pero parang tayo
ang gulo no?
di mo alam ang mali sa totoo

nagseselos ka
kapag may kausap akong iba
Teka iiwasan ko ba
pero may karapatan ka ba?
Wait? ano nga ba tayong dalawa?

maraming katanungan
na di naman masagutan
patatagalin pa ba?
o ititigil na?
san nga ba 'to papunta?
hanggang kailan ka ba magiging tanga?

walang kasiguraduhan,
walang patutunguhan,
itutuloy pa ba hanggang sa tagpuan
o ako'y didistansya na sa kawalan
pero sa paanong paraan?
kasi kahit saang talasalitaan
o kahit anong libro man yan
Wala kang mahahanap na kasagutan
sa tanong na "May Label ba o wala naman talaga"

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now