SANA IKAW NA

22 0 0
                                    

Sa loob ng isang linggo
Alam kong may nagbabago
Hindi lang sa kinaugalian ko
Pati narin sa'king pagkatao

Hindi ko pa mapagtanto kung ano
Masyado pang magulo
Ngunit sana hindi lang panandalian to
Ayoko na mag-aksaya ng oras sa maling tao

Sasabay ako sa bawat galaw ng kamay ng relo
Bawat paglubog ng araw ay hihintayin ko
Gabi-gabi ko ikukwento sa buwan ang tungkol sayo
Pinapanalangin na sana ikaw na hanggang dulo

Kung may darating mang sigurado
Sana ikaw na to

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now