NAKIKITA KITA SA IBA

7 1 1
                                    


Sa gilid ng iskinitang magulo
Mga tao'ng may sariling kwento
May pinagsisikapan upang umasenso
Heto ako't biglang tumigil ang mundo
Napatingin sa isang lalaking hawig mo
Nakatingin na akala mo'y kilala niya ako
Alam kong hindi niya ako kaano ano
Pero may kung anong bumabagabal sa isipan ko

Naalala na naman kita
Sa katauhan pa ng iba
Sa istilo ng pagtayo at porma niya
Maaaring akalaing ikaw siya
Namimiss lang siguro kita
Kaya kita nakikita sa iba
Magkikita pa naman tayo dba
Hinihintay lang kita

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now