Chapter 16

1.2K 67 4
                                    

❝ Lagi akong natatakot sa malalaman

Kung sakaling magtanong ako.

Natatakot akong malaman

Na hindi ka katulad ng iniisip ko.

Natatakot akong malaman

Na hindi lahat talaga totoo

Ang mga ngiting ibinibigay mo. ❞

     

Ilang linggo na ang nakalipas nang unang paggawa namin ng PerDev project ni Ramona

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang linggo na ang nakalipas nang unang paggawa namin ng PerDev project ni Ramona. Kahit papaano, masasabi ko naman na na-e-enjoy ko ang paggawa ng assignments at pagre-review kasama siya.

At lahat ng dating ginagawa ko naman nang mag-isa, ngayon, may kasama na akong gumawa. At si Ramona 'yon.

Natapos ko na ang questionnaire para sa intellectual area. Nakagawa na rin ako ng summary para sa kabuuan ng parteng 'yon kaya ngayon, pinagtutuunan ko na ng pansin ang physical area, kung saan kailangan kong obserbahan si Ramona kung paano siya kumilos, saan siya malakas o mahina, at saan dapat siya mag-improve.

Gusto kong sa physical na niya ako mag-focus pero mukhang hindi pa siya tapos sa intellectual kaya heto, nasa campus library kaming dalawa, nagre-review para sa long quiz bukas ng umaga.

Pinanood ko siyang basahin ang notes niya, pati ang book na may iba't ibang kulay ng highlighter ang nasa bawat linya nito. Nanatili akong nakahalukipkip habang nakasandal sa upuan habang siya naman ay paulit-ulit na kinakabisado ang mga definition of terms na nasa aklat.

Naalala ko ang lahat ng isinulat ko sa summary para sa intellectual niya.

"Ramona is very playful in school everyday. My first impression about her has always been clumsy. She told me before that she hated Calculus but with the way she helped me with the previous homework and activities, I doubt that she really hates it. Maybe she told me before that she hates it because she wanted to have a friend in me.

She liked STEM not just because she wanted to become a doctor. She liked STEM because she loves math. She is very smart but she's too humble to show it to class. She doesn't want the answers to be given to her on a silver platter. She wanted to know how I got the answers. She wanted an explanation for everything.

She loved learning everyday. If there will be an opportunity to learn about something, she would grab it and take all the learnings that she will get.

Ramona doesn't like memorizing things. This is where she always struggles. She's great in formula-based lessons, like Calculus, Physics and Chemistry but I always see her in a tough position whenever we review lessons with long paragraphs to read and memorize.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon