❝ Ang dami ko pang gustong sabihin
Noong gabing magkasama tayo sa dilim
Habang yakap mo ako at umiiyak sa balikat mo.
Gusto kong sabihin sa 'yo
Na may gusto ako--
May gusto ako sa 'yo.
At wala na akong sasayanging minuto
Mapasaya ka lang sa tabi ko. ❞
"Uhh . . . umalis si Mama at sinabing iniiwan na niya ako kay Papa. Nagpaalam siya sa akin noong akala niya, natutulog ako. Naniniwala kasi siya na kaya ko kahit wala siya kasi kinaya ko naman daw kapag hindi siya umuuwi. Kinaya ko naman kahit na si Tita lang ang kasama ko," paliwanag ko.
"Pero hindi dahil kinaya mo noon, araw-araw kaya mo na kaagad! Hindi naman palaging kaya ng isang tao, lalo na't bata ka pa! Why did your mom do that?" galit at mataas na ang boses na sabi ni Ramona.
Natawa na lang ako. Mas galit pa siya sa akin, eh.
"She kept on saying sorry. Naririnig ko lahat ng sinasabi niya noong gabing 'yon. Sabi niya, tatanggapin niya lahat ng galit ni Papa--lahat ng galit ko--kasi deserve niya raw. Hindi raw siya dapat maging mama ko kung nagkaroon siya ng ganoong pagkakamali."
"How about your dad? Bakit hindi ka niya isinama pabalik ng Canada?" Bakas ang irita sa boses ni Ramona matapos niyang sabihin 'yon. "I just can't understand why they left you just like that! Ilang taon ka pa lang ba noon?"
"Eight."
"See?! How can an eight year old go on with his life without his parents?!"
"I can--and I did." I smiled. "Hindi ako pinabayaan ng kapatid ni Papa. Itinuring niya akong parang sariling anak niya, kaya hindi ko naramdaman na mag-isa lang ako noon. Itinuro niya sa akin ang lahat ng dapat na malaman--mga gawaing-bahay o kung ano pa man--lahat."
Nagbuga siya ng buntonghininga. "Pero iba pa rin ang pakiramdam kung mga magulang mo ang kasama mo. Iba ang comfort--" Napatigil siya sa sinasabi niya. "I mean . . . sa iba. Oo."
Nagkibit-balikat ako. "Siguro nga."
"So . . . bakit hindi ka sumama sa Papa mo? O hindi ka niya isinama?" pagtatanong niya ulit habang deretso ang titig sa akin ng mga seryoso niyang mata.
I sighed. "Hindi rin naman natuloy ang petition dahil nag-file na ng annulment si Papa para sa kasal nila ni Mama. At . . . ayaw ko rin kasing umalis noon. Iniisip ko, paano si Tita? Paano yung mga kaibigan ko? Paano yung pag-aaral ko dito?" Tumawa ako. "Marami pa akong pakialam sa mundo noong mga panahong 'yon."
BINABASA MO ANG
Cigarettes and Regrets
Teen Fiction🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...