Chapter 2

11.5K 275 2
                                    

''Wala ka man lang napuslit na manok bisaya?''

''Ante naman. Kabalo bitaw ka nga nilayas raku.'' bisaya

-ante naman. alam mo namang lumayas lang ako-

Isang mahigpit na yakap ang pagbating ginawa ng magtiya. Matapos ang ilang araw at gabi sa laot, at last, she is in the land now. Safe and sound.

''Tumawag sa akin ang tatay mo. Tinanong ako kung andito ka raw ba.'' Ang Tiya Rosita nya.

''Sa tingin nyo po ba maiintindihan ako ni tatay, pagdating ng panahon?'' malungkot nyang tanong dito.

Lumipas pa muna ang ilang segundo bago ito sumagot.

''Ayaw kag kabalaka. Masabtan rana sa imong papa imong desisyon kadugayan.''

-wag kang magalala, maiintindihan din ng tatay mo ang nagig desisyon mo- Wika ng tiya nya sa nakakaintinding tinig. ''Ang importante ngayon ay ang makarating tayo sa mansion bago pa dumating si Don Facundo.''

''Pangalan pi ba yun ng amo nyo?"

"Oo. Darating sya galing america mamaya kasama yung apo nya." Wika ng tiya nya habang naglalakad patungo sa sakayan ng bus. Sa may bandang bintana sya naupo upang mapagmasadan ang naglalakihang mga buildings.

Wala syang makapang saya sa dibdib sa mga nakikita. Bagkus, lungkot ang naroroon. Kung siguro sa ibang paraan at dahilan sya nagpunta sa lugar na iyon, paniguradong makakaramdam sya ng saya. Katulad kasi ng ibang tagaprobensya na nagmaynila, she also dreamed of coming here. Nangarap din syang makakita ng mga naglalakihang gusali, mga malls, at higit sa lahat nangarap din syang makakita dito ng artista. Mababaw? Probably. Pero anong magagawa nya, ganun talaga siguro sya kababaw na tao. Ganun siguro kababaw yung kasiyahan nya.

"Katulog usa." Narinig nyang wika ng tyahin nya. Ipinikit nga nya ang mga mata bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ano man ang kalalabasan ng desisyon nya, sana lang ay wag niyang pagsisihan.

Yugyug sa balikat ang gumising sa natutulog na si Rostica. Malapit na pala silang bumaba. Hindi man lang nya namalayan. Naghikab pa muna sya at anyong magiinat ng may makita syang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya. Nahihiyang ngiti ang ibinigay nya dito na sinuklian naman nito ng isang malawak and toothless smile. Kamuntik na syang matawa ng malakas kung hindi lang sya nasiku ny tyahin.

They gathered their stuff at bumaba na. Naglakad rin sila ng ilang metro bago sumakay uli ng jeep. Mga twenty minutes din ang byahe nila ng jeep bago sila bumaba.

She was amazed when she saw the place where they got off. Ang ganda ng bukana ng subdivision. Pangmaharlika ang peg.

"Rostica, halika ka na at medyo malayo-layo pa ang lalakarin natin." Wika ng tyahin nya bago sya hinatak.

"Po? Bakit po tayo maglalakad? Wala po bang tricyle na bumabyahe sa loob?" Nagtatakang tanong nya sa tyahin.

Nakipagkumustahan muna sa guard ang tyahin nya bago sya sinagot.

"Wala. Bawal dito yun. Ito kasi ang pinakamahal na subdivison sa pilipinas at nandito nakatira ang pinakamayang mga pamilya sa pilipinas kaya bawal dito yan. Mga private vehicles lang ang pwede." Paliwanag ng tyahin nya. "Nga pala Mando, si Rostica, pamangkin ko." Pakilala ng tyahin nya sa kanya kay manong guard.

"Ganda ng pamangkin mo, aling Rosita ah. Pwede po ba umakyat ng ligaw?" Wika naman nito na sinamahan pa ng malawak na ngiti. Muntik na naman sya mapahagalpak ng tawa kung di lang nya napigilan ang sarili. Si manong guard kasi, hindi naman sya toothless, yun nga lang mga apat lang ang ngipin nya sa harap na natira. Hiwahiwalay pa. Hehe.

"Umayos ka nga Mando." Saway ng tyahin nya dito. Napakamot nalang sa batok ang pobreng guard. Nagpaalam na sila dito at naglakad. May mga sampung minuto din ang nilakad nila bago sila pumasok sa isang napakagarang bahay. Wala syang salitang maapuhap para idiskribe ang kagandahan niyon. Ang alam lang nya, napakaganda nito and it screamed wealth.

"Naku, aling Rosita, kanina ka pa hinahanap ni Don Facundo." Wika nung isang babae na may hawak na sandok.

"Ikaw na muna ang bahala kay Rostica, ha. Pupuntahan ko lang si Don Facundo." Saka ito nagmamadaling pumasok sa isa pang pinto.

"Kumain ka na ba?" Tanong sa kanya ng babaeng may hawak na sandok. Nahihiyang tumango nalang sya kahit gutom sya at kumakalam ang sikmura.

"Sige. Magpahinga ka muna sa kwarto ng tiya mo. Hintayin mo nalang sya doon." Sabay turo nito ng kwartong papasukan nya. Pumasok na sya doon.

Dahil nanlalagkit ang kanyang pakiramdam at wala namang tao sa kwarto, napagpasyahan nyang maligo. Kinuha nya ang dalang twalya at naglabas na rin sya ng damit na susuotin. Nang mapagpasyahan ang damit na isusuot, pumasok na sya sa banyo at naligo.

Nakabalot ng twalya ang katawan nya ng lumabas ng kwarto. Hinagilap nya sa ibabaw ng kama ang damit at sinimulan ang pagbibihis. Nakasuot na sya ng bra ng mapansing may kulang sa mga damit nya. Sigurado syang nandito lang yun kanina. Isa yun kasi sa mga paborito nya kaya alam nya at tanda nya lagi kung saan nya nilalagay iyon. Hinalungkat na din nya ang kanyang bag, pati ang ilalim ng kama ay sinilip na din nya, ngunit wala doon ang kanyang paboritong panty na may mukha ni spongebob.

"Ano ba ang ginagawa mo riyan?" Nagtatakang tanong ng tyahin nya ng makita sya na may hinahanap.

"Nawawala po kasi yung panty ko." Sagot nya dito at pinagpatuloy ang paghahanap.

"Huh? Oy, Rostica, pangita ka nalang ug laing panty diha. Pagdali kay ipailaila tika kay Don Facundo." Wik ng tyahin nya na may kasama pang pameywang. Nakasimangot na humanap nalang sya ng ibang maisusuot na panty. Siguro nga ay naiwan nya doon sa manila ang paborito nyang damit panloob.

Little did she know that, that small piece of a clothing will be the key to her happy everafter. :)

Si Promdi made at Si State sideWhere stories live. Discover now