Chapter 4

10.4K 237 3
                                    

Humangin bigla at may nagliparang mga rose pitals sa paligid. Bigla ay parang tumigil ang oras. Siya at si greek god na lamang ang natira. What a perfect view. What a perfect world.

"Rostica!"

"Coming tyang!" Panira talaga itong tiya kung minsan sa timing.

"SO, that lady's your babysitter, Nate." Nanunukso ang tuno ng pinsang si Isko.

"Don't start, Isko." Nakasimangot na sagot nya sa pinsan.

For petes sake! His already twenty five years old. Full grown man. Not mentally challenge. In perfect shape. And earning his own money, still his lolo thinks that he needs a babysitter. Like what the heck?! Nakalimutan ata ng lolo nya na tuli na sya. That he's been independent for ages. Di na nya kinakailangan pa na may magalaga sa kanya. He can take care of himself. Kayang-kaya na nga niyang gumawa ng isang buong basketball team eh.

"Dapat kasi hindi mo sinabi kay lolo yun. Ayan tuloy, may tagabantay ka. Tsk tsk tsk.." Napapalatak pa ang isang pa niyang pinsan na si Pancholo.

Apat silang magpipinsan na purong lalaki. Sa kanilang apat isa lang ang nakabase sa pilipinas. Si Kastor. Their oldest cousin and the ceo of their grandfather's empire. Ito lang kasi ang nagpakita ng interest sa negosyo. Habang silang tatlo naman sa ibat-ibang larangan nakahiligan. Siya ang pagmomodelo. Pancholo's into car racing. At photography naman kay Isko.

Their lolo gave them the freedom to choose the path they want to take on a certain conditions. They have to be the best on their careers and weather they like it or not, they have to take part on their lolo's empire when they decide to settle down. It don't matter when as long as you keep your end of the bargain.

Their parents have nothing against the idea. Ganun din kasi ang kundisyon ng lolo nila sa mga anak dati. Apat lang ang naging anak ng lolo nila. Each four of them only have one son. At silang apat nga ang representative ng bawat magulang nila.

"I didn't know naman kasi na lolo is still stuck in the past. Sino pa ba naman kasi ang namimikot at nagpapapikot in this time and age." He reason.

"Biruin mo ba naman kasi si lolo na magpapakasawa ka sa babae dito sa probinsya, ayan tuloy napala mo."

"Tanga lang eh. Akala siguro state side din ang views ni lolo." Natatawa at napapailing naman gatung ng pinakamatanda sa kanilang magpipinsan. Tinapunan na lamang niya ng nakamamatay na tingin ang mga ito.

Base sa itsura nung babae, mukhang bata pa ito. Nasa desiotso siguro ang edad. Matangkad ito kumpara sa nakararaming pilipina. Makinis kahit na medyo kayumanggi ang kulay. May itsura din naman ito. Di na nakakahiyang bitbitin sa mall. Yung nga lang, mukhang di pa nito alam na may naimbento ng suklay. Mukha kasing sinuklay lang nito ang buhok gamit ang mga daliri. At sana lang din, wag sya nitong mahawaan ng kuto. Mukha pa namang sagana ito nun.

Pinalipas ng magpinsan ang buong maghapon nila sa walang sawang kwentohan at yabangan. Pansamantala muna niyang kinalimutan ang problema. They were so into what they are discussing that they didn't even notice one of their helper. Pinapatwag na umano sila ng lolo nila sa hapag-kainan. They got up on their feet at nagpatuloy sa pagkwekwentohan habang naglalakad papuntang hapag.

''LO, kung hindi po bata ang aalagaan ko at hindi din po naman baldado, ano po? May sakit sa utak? Espisyal child?'' puno ng curiousity na tanong ni Rosenda kay Don. Nagugulohan kasi sya ng sabihan sya nito na ang apo nito ang kailangan niyang bantayan. Noong tanongin nya kung bata, sinabi agad nito na matanda na.

''No. My apo is surely capable of taking care of himself.'' Cool lang na wika nito habang sumusubo ng steak nito. Nagtitipid ata sila sa uli. Di kasi luto yung gitna ng karne. Kadiri!

''Kung ganun po, bakit kailangan nya ng tagapagalaga? May katangahan po b-'' Nabitin sa eri ang sasabihin pa nya sana ng may tumikhim sa likod nya. Kamuntik pa syang mapatalon sa gulat.

''Oh, andito na pala kayo. Maupo na kayo at lalamig na ang pagkain. Sya nga pala, Nate, ito si Rostica ang magiging tagabantay mo.'' pakilala ng Don sa kanila.

Tumingin lang ang lalaki sa kanya ng walang reaction, samantalang pigil na tawa naman ang maririnig mula sa kasama nitong puro lalaki.

Bigla ang paninibugho sa puso ni Rostica. Ito yung greek god na nakita nya kanina. Mas gwapo pala ito sa malapitan. Matangkad din ito at halos hanggang dibdib lang ata sya. Kasing katawan nito si Nick Baitman na crush niyang modelo. Wag ka! Basta gwapong lalaki eh updated ito. LOL!

''Ano kaya ang problema nito sa pagiisip at nangangailangan ng tagapagalaga?'' Wala sa sariling tanong niya.

''I'm mentally perfectly capable of taking care of my self.'' Malditong wika nito habang nasa kanya ang mga mata. Di naman niya maiwasang makagat ang ibabang labi dahil sa katangahan. Parang tanga na nag'peace sign nalang sya dito habang nakangisi na animo nahihiya.

''Wag kang magalala, hija. Physically and mentally healthy yang apo ko. Ang tanging abnormal lang sa kanya ay ang kanyang libido. And it is your job to make sure na hindi, makakabuntis, mapipikot at magagayuma itong apo ko.''

''LOLO!'' Nagchorus pa ang apat sa pagsaway sa abuelo nila.

''Wag po kayong magalala, lo. Sisiguraduhin ko pong hindi mapipikot itong apo ninyo.'' Puno ng determinasyon niyang wika. Pasensyahan na muna sila ng lalaking ito. Hanggat siya ang bantay nito, tanging palad lamang nito masasakyan nito papuntang paraiso.

''Lolo, this is rediculous! I am a grown up man to be treated like a child! I won't have any of this!'' wika nito saka padabog na nagwalk out.

Napailing nalang si Rostica sa inasal ng alaga niya. Mukhang kakailanganin niya itong idisiplina.

''Ako na po ang bahala. Susundan ko lang po sya.'' Magalang niyang paalam sa Don. Isang tango lang ang isinagot nito.

Agad sinundan ni Rostica ang binata sa kwarto nito. And she was amaze at what she saw.


Si Promdi made at Si State sideWhere stories live. Discover now