Chapter 26

7.3K 202 3
                                    

"We just stop by to say hi. Nakita kasi kita noong papasok na kame.' 

The walking instant seasong said. Halos di nya mapigilan ang pagikot ng mata sa kaartehan nito.

'Wow! Umaabot na pala ng kalahating oras ngayon ang pakikipagbatian.' Bulong ni Rostica sa sarili. Di nya talaga maiwasang mainis sa impaktang ito. Nakakairita ang pasimpleng panlalandi nito kay Nate. At ang magaling na adonis naman, ngiting-ngiti na akala mo binati ng isang Hollywood actress. Nakakastress!

"So, punta ka ha. I'll be expecting you." Wika nito sa malanding tinig.

Teka! Ano daw?! Nagspace out lang sya ng slight nakalusot na sa radar nya ang empakta. At talagang itong ungas lang na nasa harap nya ang inimbita. Di man lang nagpakitang tao na imbitahan sya! 

"Sure." Ay nakakabwisit ngang tunay! 

"Sige, I'll go ahead. Marami pang kasi akong aasikasohin for the party mamaya eh." Saka ito bago bumeso kay Nate. Yun ay kung beso bang matatawag ang halik nito sa gilid ng labi ng binata. 

''Bakit di nalang kayo naglips to lips? Tinipid pa eh.'' inis nyang wika kay Nate ng makaalis na si Maggie.

''Selos ka naman.'' nakangiting wika nito sa kanya na parang tuwang-tuwa.

''Hoy amaw! Dili naku na silosan nang imong magic sarap noh! Maski bitsin lang ko, mas lami gihapon ko kaysa iya!''-hoy baliw. di ko pgseselosan yang magic sarap mo noh. kahit vitsen lang ako, mas masarap pa rin ako kesa sa kanya.(i don't really know whatshe is trying to say. mwahahhaa)

''What?'' kunot-noong anong nito. He looks at her na parang may tumubong durian sa noo nya.

''Wala. Sabi ko lang bagay kayo. Bagay kayong gawing pangsahog sa lulutuin ko mamaya. Ikaw yung karne, at yung bruha aman ang gagawin kung pangpalasa.'' 

''Rostica, that is mean.'' 

Gustong atang magpanting ng tenga nya at kumulo ng dugo nya. Sya pa ngayon ang mean samantalang yung walking and talking magic sarap nga ang mean sa kanya. Ni hindi nga sya nito tinapunan ng tingin kanina eh. She is just giving her what she is receiving from her!

''Ako? As in ako ag mean?'' tinuro pa nya ang sarili to gve an emphasis. Di ito nagsalita at sa halip ay binigyan sya ng tingin na nagsasabing ikaw nga.

''Ipapaalala ko lang sa'yo, SYA ANG NAUNA.'' pagbibigay diin nya sa bawat salita. Baka sakaling maalala nito ang mga pangiinis na ginawa sa kanya ng babaeng empakta.

''Kahit na. Dapat hindi mo sya pinapatulan.'' 

''At tumunganga lang ako kapag iniinis nya? Ganun ba? Hayaan syang pagmalditahan ako at umarteng hindi nasasaktan sa mga pasaring nya?'' tanong nya dito. Her eyes stings from the tears na nagbabantang pumatak. Siguro matatanggap nya kung iba ang nagtatanggol sa babaeng yun, pero iba kasi dahil si Nate ito eh. Si Nate na.. 

Ano ba sya sa akin? Bakit may kirot na marinig dito na sa iba ito kumakampi at hindi sa kanya? Masyado bang childish? Siguro. Pero anong magagawa  nya, ito lang naman kasi ang kaisaisang kaibigan nya dito. Ito lang yung kahit di nya namamalayan, ay nagexpect sya na magiging kasangga nya. Yung bang kahit lagi silang nagbabangayan, iniexpect pa rin nyang sa kanya ito kakampi. 

She blinked her eyes. Masyadong mababaw at masyadong madrama naman kung hahayaan nyang may pumatak na luha ng dahi lang dito. At isa pa, hinding-hindi niya papatakan ng luha ang maputlang antipatikang babaeng yun. Kung may ipapatak man sya ng dhail dito, yun ay kandila sa ibabaw ng picture nitong tinusok-tusok nya ng karayom. 

''Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Ang akin lang, be the big guy. Ikaw nalang magpakumbaba para wala nang gulo.'' hinawakan pa nito ang kamay nya at bahagyang pinisil.

Iniiwas nalang nya ang mga mata para di nya ito matignan sa mga mata nito. Di pa rin kasi maalis sa loob nya ang inis sa lalaki.

''Wag kang magalala. Last na yun.'' saka nya binalikan ng pansin ang kinakain kahit nawalan na sya ng gana. 

Hanggang paguwi nila ay hindi pa rin nawawala ang sama ng loob nya sa lalaking kasama. Wala silang imikan buong byahe hanggang sa makarating sila ng bahay. Pahabaan sila ng pride.


AUTHOR'S NOTE KUNO;

DI KO RIN ALAM NA GANUN PALA KATINDI MAGSELOS SI ROSTICA. NAGIGING MANGKUKULAM! 


Si Promdi made at Si State sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon