Chapter 14

7.6K 195 1
                                    

"Magingat kayo doon. Ikaw Rostica, wag kalimutan ang trabaho at wag puro pasarap lang." Bilin ni tyang sa akin. 

Paalis na kame ngayon. Si Nate nalang hinihintay namin ng driver para makalarga na papuntang airport. 

"Si Nate, wala pa ba?" 

"Wala pa po, lo. Nagpapapogi pa po siguro yun ng husto." Ewan nya, pero feel na feel talaga nya ang makilolo sa Don. Buti nalang at cool lang din ito na tawagin nyang lolo.

"Ganun ba. Well, we'll go ahead na. Sabihin mo nalang sa kanya i said bye, and Rostica, don't forget what we talked about last night, ok?" Wika nito bago sumakay sa bmw nito. 

"No problemo lowlow!" Saka sya sumaludo dito. 

Nang wala na sa paningin nila ang kotse ng matanda tsaka sya nilapitan ng tyahin at binatukan ng malakas. 

"Ikaw talagang bata ka! Wag mo ngang pinaloloko ang Don." Nakapamewang pa ito habang pinapagalitan sya. 

"Di naman po nagalit si Don, eh." Nanghahaba ang nguso nya na nagpapaliwanag. Sometimes, oa din itong tiya nya. 

"Kahit na. Ikaw talaga.. makukurot kita sa singit." Mukhang mangungurot ito kung di lang sya maagap. 

"Tyang, mamaya na po. Kailangan ko lang magbanyo." Paalam nya sabay takbo. Di naman talaga sya nababanyo, kailangan nya lang ng excuse para makaiwas dito. Di naman kasi sya timang na magpapakurot lang. Ano sya? Si Anastacia? Teka, sino nga ba si Anastacia???

"OH, andito ka na pala, Nate. Akin na iyang bag mo at nang mailagay na sa kotse."

"Ako na po manang. Si Rostica po?" 

"Anjan na pala eh." Wika nito sabay gamit ng nguso upang ituro si Swang.

Wow! He couldn't believe Rostica can look like a decent human being. Bumagay dito ang suot nitong baby blue dress na hanggang kalahati ng binti nito ang haba na pinaresan nito ng white flip flops. At first time nya atang makita na maayos ang buhok nito. Binabawi na nya anh sinabi kanina. She doesn't look like a decent human being. She is actually quite a beauty. Hmmm, mukhang ito ang dapat na binabantayan at hindi sya ah.

"I know I'm pretty. No need to drool." Wika nito bago sya nilampasan at sumakay ng kotse. Napangiti nalang sya at Napailing sa kakapalan ng mukha ng dalaga.

"A greek god like me doesn't drool over a mere mortal like you, Swang. Always remember that." Wika nya dito at saka pinisil ito sa ilong.

"There's always an exemption in every rule. Malay mo, di ka lang maglalaway sa akin, baka mabaliw ka pa sa akin." She said to him saka nagsmirk. 

"Dream on mortal." 

Buong byahe ata nila papuntang airport ay puro bangayan lang ang ginawa nila. Nang makarating sa airport, iginiya sila ng isang personnel doon papunta kung nasaan ang mga private planes. Nandoon na rin ang iba nilang mga kasamahan at tanging sila nalang ang hinintay. Nagbatian pa muna silang lahat bago nagkayayaang pumasok na. Nasa hulihan sila Nate at Rostica. Akmang aakyat na sana si Nate ng may humila sa kamay nya. He turned around and saw a namumutlang aswang.

"Is something wrong? Your pale." He said. 

"Fi-first time ko kasi sumakay nyan.." wika nito nang hindi makatingin sa kanya. "Kailangan ko ng moral support." 

Kung hindi lang siguro ito namumutla at parang hihimatayin na, baka pinagtawanan na nya ito. Pero he knows what she's feeling. May takot din kasi sya sa pagsakay ng eroplano noon. He just manage to conquer it dahil narin sa uri ng trabaho nya. His an indemand model. Kung sino-sinong kumpanya ang kumukuha sa kanya. Kung saan-saan din sya napupunta. Out of the country madalas. Swerte na kung sa isang buwan isang beses lang syang may photoshot outside the country.

He pull her for a hug. As he whisper in her ears that everything will be ok. It seems to work on her pero di pa rin nito binibitawan ang kamay nya. So he just held her hand. At kahit nagpapawis ito ay hindi nya ito binitawan buong byahe. 


Si Promdi made at Si State sideWhere stories live. Discover now