Chapter 9

8.4K 213 2
                                    

Mahabang palda na may mga botones sa harapan. Spaghetti strap underneath her maong jacket. Bakya for her footwear at buhok na hinayaang nakalugay lang. Ang resulta, baduy na taga-probinsya na may buhok ng sa aswang.

Umalpas ang di mapigil na tawa ni Nate. Hawak ang tyan at nakaturo pa ang hintuturo sa probinsyanang first time pumarty.

Hindi man halata but she felt offended sa ginawa ni Nate. Alam naman nyang outdated at masyadong baduy ang porma nya pero sana naman kahit papano umarte itong naayon sa asal ng isang binata sa dalaga. Hindi yung pinagtawanan na nga sya sa harap pa mismo ng mga pinsan nito.

Kahit gustong-gusto nyang bumalik sa kwarto at magbihis ng matino, wala din naman syang ibang damit na maisusuot na aayon sa porma nito.

Bwisit man sya at naiinis dito, di naman nya maitatanggi na mas gumwapo itong greek god. His wearing a black long sleeves shirt na nakatupi ilang pulgada sa baba ng siko nito at Levi na pantalon. Nakasuot din itong leather shoes.

"Aalis ba tayo o tatawa ka lang dyan?" Naiinis na tanong nya dito. Nagpunas pa muna ito ng mata bago sumagot sa kanya.

"You never fail to make me laugh, Rostica." Wika nito. "C'mon. Let's go na at nang mapakinabangan ng husto yang get up mo." Sabay ngisi nito.

Kung hindi lang nila kaharap ang pinsan, lolo, at tiya nya, baka nahampas na niya ito sa ulo ng bakya nya.

"Be sure to keep an eye to each other. And be responsible." Paalala ng lolo nya.

"Hijo, wag ko sanang pababayaan ang pamangkin ko. First time nyang pupunta sa sosyal na party." Narinig ko namang wika ni tyang. Nahiya tuloy ako. Gusto ko sanang sabihin na umaatend din ako ng party sa school at sa simbahan namin tuwing pasko, pero itinikom ko nalang ang bibig ko. Baka kasi lalo lang akong mapahiya.

"Wag po kayong magalala. Akong bahala kay Rostica." Wika ng abnoy bago pinatunog ang alarm ng sports car nito.

"Wag kang magkakamali na umaktong close tayo ha." Singhal nya dito.

"Sure. Ayoko din namang isipin nila na kaclose ko ang isang baduy na aswang." Sagot nito with an evil grin.

Ouch! Sasabihin nya sanang nakakasakit na ito bg damdamin pero pinili na lamang nyang tumahimik. They didn't talk buong byahe. Concentrated ito sa pagmamaneho habang sya naman ay pinili ang magmasid sa labas ng bintana ng sasakyan. Kinakabahan kasi sya at uncomfortable sa suot nya. Pero kesa magself pity sya dahil walang pambili ng sosyal na damit, mas pinili na lamang nyang alalahanin lahat ng kasosyalan na napapanood nya sa tv tuwing may party na eksena. Masyado syang busy sa pagiimagine at pagmemeorize na hindi na nya namalayang nakarating na pala sya.

"Wag kang lalayo sa akin o sa paningin ko pagdating natin sa loob, ok?" Wika ni Nate. She look at him puzzled. They just agree not to act close with each other, not thay they are close, ngayon sasabihib nitong wag syang lalayo dito, may amnesia ba ang lalaking ito at nagiging makakalimutin na?

"I just want you safe. Kargo de konsensya ko kapag may nangyari sa'yo. At isa pa, there are a lot of people inside who will take advantage of you givin a chance. Kahit mukha kang ewan dyan sa outfit mo, pagkakaintiresan ka pa rin ng ilang mga kalalakihan sa loob. Masyado ka pa namang inosente tingnan." He said while getting out of the car. Sumunod na rin sya dito ng hindi umiimik.

Wow! The first word that came to her mind. Loud music, different colors of lights, mga taong naghihiyawan habang sumasayaw sa dance floor. Ibang-iba ito sa party na nasa isip nya. Idagdag pa ang suot ng ibang kababaihang pumaparty. Halos lahat doon kinulang sa tela. Kung hindi man ang pangitaas na damit ang kinulang, eh yung baba naman. May iba pang parehang kinulang sa tela ang pangitaas at pangbaba. Maryosep!

HABANG hinahanap ni Nate ang mga kaibigan pasimple rin nyang nililingon ang babaeng kasama na nakabuntot sa kanya ngayon. Kita nya sa expression ng mukha nito ang pagkamangha. She really stands out in her outfit. But her body says that she belongs. Ewan nya kung napapansin nito ang unti-unting pagindak nito sa saliw ng musika. 

Nang maespatan nya ang table ng mga kaibigan, hinila na nya si Rostica papunta doon. He introduceher to his friends, and his friends introduce the ladies that's with them to her. The ladies seem to be polite enough na makipagusap kay Rostica. 

"Hey girl, do yiu wanna dance?" Yaya nung isang babae na kasama ng kaibigan nya kay Rostica.

"Oo ba." Di nagpatumpiktumpik na wika ni Rostica. Tinanguan nya lang ito ng tumingin ito sa kanya. He just stayed with his friends sa table nila. 

"So, what's the score between you and her?" Pangiintrega ni Roco. One of his friends. 

"Nothing. She's just one of my female friends." Sagot nya dito bago tumunga ng alak.

"She's pretty, ha." 

He smirk. "Anong maganda dun? Yung buhok nyang parang salag ng ibon?" Di makapaniwalang tanong nya kay Ryan. 

"She may not to you, but she surely is to some dude. Just look at those dudes eyeing her." Wika naman ni Jigs habang inginunguso ang bahagi ng dance floor kung nasaa sila Rostica nagsasayaw. And sure enough, marami ngang mga predators na nakatingin sa walang malay na si Rostica. 

"Nah. They were just looking at her like a new specimen. Nawewerduhan lang ang mga yan sa kanya." He said lazily.

"Kaya pala one of them is grinding his hips to Rosticas bum." Ngising aso na wika ni Al. 

And before he don't need to be told about it kasi kitang-kita nya how the man's grinding his body to hers. Parang sawa lang na nakalingkis ito sa enjoy na enjoy na si Rostica. He turned his back on them at pinagtuunan ang pulutan nila. Rostica's old enough. He will let her haddle it. Wala pa atang isang minuto syang nakatalikod ng magsalita si Naco.

"Dude, his dry humping her." Simpleng balita nito sa kanya.

Thats it! Tumayo sya at nagmartsa papuntang dance floor na animo ay pupuntang gyera.


Si Promdi made at Si State sideWhere stories live. Discover now