CHAPTER 5

8.5K 240 3
                                    

"Bakit ang kalat?!"

T'shirts doon. Pantalon dito. Plus boxers na nasa kama. Medyas na sumabat ang isa sa hamper habang ang isa ay nasa sahig. Kamang hindi nakaayos.

"Kakalat ba nimo!" Di mapigilang tanong nya dito na may kasamang inis. Akma nitong tatanggalin ang t'shirt nang buksan nya ang pinto.

"Don't you know how to knock?" May inis na tanong nito sa kanya.

"I knock oi. Bingi ka lang kaya di ko narinig." She lied. Mwehehe! He just gave her a tiger look.

"Bakit ka ba nandito?" Tanong nito bago hinubad ng tuluyan ang tshirt.

"Bakit ka nagwalk out kay lolo?"

"I ask you first." He said looking annoyed.

"Para pabalikin ka doon." Nakapamewang na wika niya dito. "Bayot." She said in a whisper nang pagtaasan siya nito ng kilay.

"Did you just call me gay??" Mukha itong mananakmal kapag nagkamali siya ng sagot.

"H-hindi ah!" She said a little bit loudly. "Ang gwapo-gwapo mo nga at ang macho-macho mo. Kasingkatawan mo nga yung mga bouncer sa club na nakikita ko sa tv eh." Natatarantang pambobola niya dito na sinamahan pa ng masahe ang mga braso nito. Mahirap nang mapatalsik sa career nya na naumpisahan palang nya minutes ago. Di pa niya napapatalsik ang ibang turko na mahilig sa five/six.

"What is that supposed to mean." Lalo atang kumunot noo ito.

"It means you are bob the body builder. Your body is big, strong and healthy and bato-bato. I'm actually appreciating your body." Maniwala sana ang taong ito. Kaunti nalang kasi at aamin na syang tinawag nya itong bakla.

"I'll let you off the hook today, but, next time you call me gay.." lumapit ito sa kanya at may ibinulong. "You get that?" Parang tanga na tumango nalamang sya dito. Hindi naman kasi niya maintindihan ang pinagsasabi nito.

Sa lahat ng pinagsasabi nito, "i will lick you and eat you good" lang ang maintindihan niya kahit papano.

"May lahi atang aswang itong taong ito. Kakainin raw ako. Wag naman po sana. Magbabaon nalang ako lagi ng bawang at asin." Nahihintakotan niyang wika sa sarili. Nakakapagtaka lang na kakaibang kilabot ang naramdaman nya sa mga ibinulong nito. Hindi iyong kilabot dahil sa takot. Kundi kilabot na masarap sa pakiramdam.


Si Promdi made at Si State sideWhere stories live. Discover now