CHAPTER 74 GALA NIGHT

1.5K 42 8
                                    

CHAPTER     74       GALA  NIGHT

SAMOTNY 

DINGDONG!

Nandyan na yata si Matthew.

"Sino ka?"

"Anong pangalan mo?"

"Sinong hinahanap mo?!"

"Si Samotny?"

"Bakit ka nandito?"

"Anong trabaho mo?"

Oh no!   Naunahan ako ng lola kong magbukas ng pinto.    Agad akong tumakbo papuntang pintuan.

"Hi Matthew!   Uhm, meet my lola!" pangiti kong bati sa kanya.

"Pasensiya na sa pang-iintriga ng lola ko sa iyo ha."

Napangiti lamang si Matthew.

Nandito nga pala ngayon ang lola ko sa apartment ko ngayon.   Ako kasi ang nagdala sa kanya sa doctor's appointment niya.    Napagpasyahan din niyang tumigil muna dito dahil bihira lang daw siyang nakakabisita.    Dito na rin daw muna siya matutulog ngayong gabi.   

"La, sige na.   Ako na pong bahala sa kanya."

Umalis na rin siya kahit napilitan lang.    Marahan siyang naglakad papalayo sa amin.   Hindi na rin kasi siya nakakalakad ng mabilis.

"Your lola is really cute.   I see where you get your weirdness from," pabirong sabi ni Matthew.

"Oh.   You haven't seen WEIRD yet 'coz you haven't met my mom yet," pabiro ko ring sagot sa kanya.    Naku, kung ma-meet pa niya ang nanay ko baka maloka lang siya.

"Anyways, are you ready?" pantatanong niya.

"Yes, let me just grab my coat and my shoes.    You want to come in?"

"No, I'll just wait here.   I know how you are.   If I go inside, it's going to take forever before we can leave."

Ayan, binibiro na naman niya ako.   Tsk.

Madali naman akong pumasok muli para kunin ang coat at sapatos ko at para na rin magpaalam kay lola.

"Lola, aalis na po kami."

"Huh?   Aalis ka?"

"Ay lola naman.  Diba nasabi ko na sa iyo kanina na may lakad ako ngayong gabi?"

"Ah, ok.   Kasama mo yung lalaking iyon?"

"Opo 'la."

"Manliligaw mo ba iyon o boypren mo na?    Mukhang maganda ang trabaho ah."

"Haha.   Lola naman.   Paano mo naman nasabing maganda ang trabaho niya?"

"Maganda ang kotse eh, mukhang mamahalin.  Pero ingat ka ah, baka lokohin ka lang niyan.   Gwapo at mayaman kasi eh."

"Ay sus.   Lola naman.   Kung ano ano na ang iniisip mo.   Hindi ko siya boypren.   Friends lang kami."

"Ah, alam ko na.    Baka yung isa yung boypren mo."

"Huh?   Sinong isa?"

"Hay naku.   Merong isang lalaki na nangungulit na makita ka kanina."

Ano daw?   Sinong lalaki ang tinutukoy niya?!

"Ano po?   Anong lalaki po ang tinutukoy mo?"

"Ah.  Matangkad at gwapo rin.  Medyo singkit ang mata.  Mukha ring maganda ang trabaho.   Boypren mo iyon noh?"

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Where stories live. Discover now