CHAPTER 17 THE SINGING CONTEST

2.7K 65 17
                                    

CHAPTER        17    THE SINGING CONTEST

SAMOTNY 

Ilang araw na lang ang contest.   Sobrang kinakabahan na talaga ako.    Intense na rin masyado ang rehearsals.   Stress galore!   Again, bakit nga ba ako napasubo dito??   Naiiyak na nga ako minsan eh!   Hay naku Samotny, kaya mo yan.   Kinakausap ko na naman ang sarili ko.  

Kamusta na kaya si Rusty?   Hindi ko na siya nakikita.   The last time na nakita ko siya, kausap na naman niya si Daphne.  Hmph!  Is there something going on between them?  Nalungkot naman  ako.     Manonood kaya siya ng contest?   Sana manood siya para may pampagana.    Pero baka ang papanoorin niya ay si Daphne lang.   I heard na kasali rin si Daphne sa singing contest.   Haaayyyy....may the best girl win!  ......sa contest at kay Rusty!

Eto namang si Rolf may pagkaweird na naman.   Mabait siya sa akin these past few days ah.   Palagi na lang akong nililibre!  Nyahaha!   Tapos bigla rin namang tatahimik kapag tinatanong ko siya kung sa tingin ba niya ay may pag-asa ako kay Rusty.   Weird talaga.   Bipolar yata.    Papabayaan ko na nga lang muna siya.

_______________

Day of the Contest

Oh crap!   Hindi pa rin ako nakakapag-decide kung anong isusuot ko para sa contest.     I've been looking through my clothes since last night pero wala pa rin akong mapili.

"Motny,  sabi ko nga sa iyo yung bestida na lang ang isuot mo."   Ang paulit-ulit na pangungulit ng mama ko.   She's referring to the dress na nabili ko sa isang midnight sale sa mall a few months ago.    Hindi ko pa rin nasusuot dahil hindi nga ako sanay mag-dress.   Di hamak na ipapasuot pa ng nanay ko in front of the whole school????!!!!    Above the knee yung length ng dress kaya naman hindi ako komportableng isuot yon sa stage habang kumakanta.   Pero wala na talaga akong ibang choice.    Male-late na naman ako sa school.   I grabbed the dress and a see-through lacy top na pang cover ko and my favorite sandals.   Bahala na nga si batman!

"Ayan, buti naman nakapag-decide ka na.   Bagay talaga sa iyo ang bestida, Motny."   

"Ok ma, sige na, I have to go.  Late na naman ako.  Bye."  Then I gave her a kiss on the cheek.

"Good luck!  Punta kami mamaya ng papa mo sa school."

"Ay ma, hindi na kailangan.  Wala naman yatang mga parents ang pupunta."   

"Ay bahala ka! Pupunta kami ng papa mo!"

"Ok, ba-bye na nga!"   I replied, feeling defeated.

I felt bad for not wanting my parents to come but at the same time, nahihiya rin naman ako.   Very supportive ang mga parents ko pagdating sa ganyan.   Kaya lang kasi, since Junior high school, parang hindi na cool pag nandiyan ang parents kasi wala na rin namang ibang parents na nanunuod pag may mga ganitong klaseng events.    Hay naku, bahala na nga.

____________

Hindi naman ako makapag-focus during my morning classes.   Kinakabahan na talaga ako!    Pwede bang mag backout??

"Huy Samotny!  Ok ka lang?   Kanina ka pa diyan hindi mapakali."   Tanong ni Yokaby.

"Ha????   Yokaby, hindi ko yata kakayanin yung contest mamaya.   Pakisabi na lang kailangan ko ng umuwi dahil may sakit ako.  Ahem ahem!!"

"Magtigil ka nga, Mots!   Ano ka ba?   Kaya mo yan?!   Atsaka we'll all be in the audience to cheer for you!  Promise!"  

"Hayyyyy.....   I just wish this day to be over already!"

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Where stories live. Discover now