CHAPTER 32 The Room........

2.3K 57 7
                                    

"B U R R R P P ! ! !"

Oh my freaking gravy!    Did I just do that in front of Rusty?!     Hiyang hiya ako sa sarili ko.    Ayan kasi, nasanay na akong mag-burp ng malakas sa harap ng mga kaibigan ko.     Sinilip ko si Rusty habang nakatakip pa rin ang mukha ko ng napkin.     Mukha na naman siyang nagulat at pagkatapos ay tumawa na naman ng malakas.      Ano bah?    Nahihiya na nga ako eh.

"Hahaha.    I've never laughed this hard recently.     Oh Sam,   you are so funny....and ...and ... adorable..."  pagsabi ni Rusty na mukha na namang nagulat.    

Ayan, funny na naman ako sa mga mata ni Rusty.    Funny at adorable daw.      Wait, ano daw?    Adorable daw kamo?!    Tama ba ang narinig ko?!   Tumingin ako kay Rusty.    Mukhang siya naman ang nahihiya ngayon at mukhang namumula rin.   Bakit kaya?    Dahil nga ba sa sinabi niya?    Ayan, assuming na naman ako.

"I mean....   I meant....   that's funny and adorable.   Hehehe.     No one's ever burped that loud in front of me.    Even my guys don't burp that loud.   Hehe.     No offense meant,   Sam.    It's ok.    Hehe."

Lalo na naman akong nangamatis.    "Ah ganun ba?   Hindi pa nga yan ang pinakamalakas kong burp.    Siguro kung mas marami pa ang kinain ko, mas malakas pa ang burp ko.  Hehe."     Ok, dinaan ko na naman sa biro.

"I guess I have to feed you more next time.   Hehe,"  nahihiyang sagot ni Rusty.     Next time??   May next time pa pala ito???      Sana nga!

"So, do you want dessert?    Of course you do.    Why did I even ask?   Hehe."      Aba, binibiro ba ako netong lalaking ito?    Pinapalabas ba niyang matakaw ako??    Feeling close na siya ah.

"Uhm,   mamaya na lang siguro.     Busog pa ako ngayon,"    pagpapakipot kong sagot.    Kailangan din namang magpakipot muna kahit minsan lang.     

"Ok.     So,  I was thinking....    Since you're already here..   I was wondering if you'd be interested if I show you around here.    I can show you my room upstairs.      Eeerrrrrr,    if you would like to."     Medyo alanganing pag-aaya ni Rusty na parang nahihiya pa.

"Really?!    That's cool!    Sure!"    Siyempre, pagkakataon ko na itong makita kung saan nag-sstay si Rusty.      Wow,  ngayon ko lang din naman na-realize na.........he just invited me to see his room!!!!    Is he serious?!    Kalma lang Mots,  huwag pahalatang masyadong excited.

Nagsimula na kaming maglakad.    Nagpasalamat nga rin pala ako kay manong waiter.    We walked around the restaurant some more para ma-i-tour pa ako ni Rusty.     Pagkatapos ay pumasok kami sa isang maliit na pintuan na malapit sa kitchen.      May hagdanan na paakyat.     Nauna si Rusty habang nakasunod naman ako sa likod niya.     I wonder if may iba ng nakapunta dito aside from his friends.   I wonder kung dinala na rin niya si Daphne dito.    Hay, malamang.    Siyempre girlfriend niya si Daphne.    

Pagdating namin sa ikalawang palapag,   namangha naman ako sa aking nakita.     Napakaganda ng floor na ito.   Parang di mo aakalaing nasa itaas ka lang ng isang restaurant.      Para siyang napakagandang condo unit na may magagandang furnitures.    Modern ang theme.    White ang walls tapos ang mga furnitures naman black.      Pati rin ang mga decor black and white.

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Where stories live. Discover now