CHAPTER 63 VIP

1.8K 59 22
                                    

CHAPTER         63         VIP

SAMOTNY

"Ahhhhhhhhhh!!   Ang ganda ganda!!   This is paradise!"  excited kong pahayag nang makarating na kami sa Boracay.

Talaga ngang napakaganda ng lugar na ito.   Napakapino at napakaputi nga ng buhangin.  I can't believe na ngayon pa lang ako nakapunta dito.   

"Ahhhhh..  This is the life!" pagsasaad ko sabay pikit ng mga mata ko.   Huminga ako ng malalim para malanghap ang masarap na simoy ng hangin.   

"Huy!" pambubulabog ni Yokaby sa akin.

"Ano ba?  I'm just trying to take it all in.   Napakasaya ko lang talaga ngayon."

"Eh hello?  Eh kung magcheck-in na kaya muna tayo sa hotel at nang maibaba na ang mga gamit natin?    Eh di mas ma-eenjoy mo pa ang tanawin."

"Fine.   Ok, let's go girls!"

Kasama ko nga pala ngayon sila Kiki, Sayyen, Yokaby, Kiray, Letchoy, Kikiqs at Teren.   Hindi naman pinayagang makapag-off sa trabaho sina Apeng at Kaka.    Ang saya saya lang dahil magkakasama kami.    Parang walang nagbago sa amin kahit na matagal na kaming hindi nagkikita.    Nandiyan pa rin ang kakulitan at ang kawalang-hiyaan.

Papunta nga pala kami sa resort na ipinabook ni Rusty para sa amin.   Sabi niya may kakilala raw siyang may-ari ng isang resort.   Siya na rin daw ang bahala at ang dapat lang daw naming gawin ay sumipot.

"Hi.   I'd like to check in po Mam," pagbati ko sa hotel attendant.

"Ano pong pangalan?"

"Samotny dela Piña ho."

Matapos niyang i-type ang pangalan ko sa computer ay agad niya akong tinignan ng maigi.

"Uhm.... may problema ho ba?"  pag-aalala kong tanong.

"Ahh.  Wala naman.   Tinitingnan lang kita ng maigi.   Baka kasi sakaling artista ho kayo.   Pero hindi ko naman ho kayo nakikilala."

"Ah, bakit niyo naman ho nasabi iyan?" pagtataka kong tanong.   Pero medyo nakaka-flatter din dahil napagkamalan akong artista.  Ganon na ba ako kaganda?

"Ah.   Wala lang.    Usually kasi mga artista po o kaya naman mga importanteng tao ang mga naka-book as VIP."

"V...V....VIP?!    Sino?   Ako?" gulat kong tanong.   "Tama ho ba ang tinype niyong pangalan?"

"Oo Mam, tama naman po ang tinype ko.   Bakit ho kayo mukhang gulat na gulat?   Naka-book pa nga po kayo sa pinakamalaki at pinakamagandang room ng resort."

"Ha?!   Are you serious?!   Naku 'te, baka wala naman po kaming pambayad sa ganyang  klaseng room."

"Ah.   Wala na po kayong dapat na ikabahala.    Bayad na po ang lahat para sa buong duration ng stay niyo.   May complimentary meals na rin po."

"Ha?!   Eh sino naman ho ang nagbayad?"

"Ah.   Hindi ko na po alam.  Pero ang may-ari na po mismo ang nagpautos na ilagay po kayo sa VIP."

"Ganun ba?   Sino ba ang may-ari?"

"Ah Mam, pasensiya na ho pero confidential po.  Hindi po namin pwedeng ipagsabi sa mga guests kung sino ang may-ari ng resort.   Eto na po ang susi sa kwarto niyo."

"Ah sige, I understand."

Tinanggap ko na lang ang susi at sinunod na lang namin ang direksyon niya papunta sa room namin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari.   Sino kaya ang misteryosong may-ari ng napakagandang resort na ito?

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon