CHAPTER 16 WHAT IS THIS FEELING?

2.8K 59 10
                                    

*I dedicate this chapter to @PrEtTyYeN.    Thank you for reading the story all the way to the last chapter.    I'm inspired to write more about Samotny and Rusty.      Keep reading.    =)   *

* Hello everyone!   I'm back at finaly nakapag-update din!  I was on vacation.   Sa mga nag-aabang, sorry if I have abandoned you.   Sana subaybayan niyo pa rin ang mga susunod na chapters.   Hope you enjoy!   =)    *

CHAPTER    16     WHAT IS THIS FEELING?

Samotny’s POV

Napapalapit na ang singing contest.   Patindi na ng patindi ang kaba ko.   Napapagalitan pa ako ng Chinese teacher namin dahil mali mali daw ang diction ko.    Ay sus,  maiiintindihan pa ba yon ng madlang people?  Most of the afternoons palagi na lang akong may rehearsal pagkatapos ng afternoon classes namin.  Hindi na nga ako nakakatambay sa mango tree at di ko na rin napapanood si Rusty pag may basketball practice sila.    Hay.   

RIIIINNNNNGGGG!!!!

Ayan recess na naman.   

“Kiray,  baba tayo ng second floor please?  Hindi ko na nakikita si Blue e…  huhu”

“Tumigil ka nga diyan.    For once, magpa-miss ka naman.  Huwag kang bumaba at magpakita!   Tingnan natin kung may effect nga yang pagpapapansin mo sa kanya every afternoon.”   Hmmm…sabagay, may point si Kiray…..

“…..Pero ang hirap naman niyan!!!    huhuhuhuhu.    Parang di ko kaya!”

“Hay naku, bahala ka nga diyan!   Basta, payong kaibigan, subukan mong huwag bumaba ngayon.   Tingnan natin kung may mangyayari.”  Patuloy ni Kiray.

Hayyyy…..ang hirap naman neto!   Pero sige, susubukan ko.    

Nagpapahangin ako sa hallway/balcony sa harap ng room namin habang nakadungaw sa second floor.   Nagbabakasakaling maaaninawan ko si Rusty from afar.   Patuloy pa rin ako sa pagdungaw nang may narinig akong di inaasahan…

“Huuuyyyyy  Rusty!   Napadalaw ka dito!”   

Tama ba ang  narinig ko, may tumawag kay Rusty?  Nandito siya sa floor ko?  Hindi nga??   Gusto ko agad lumingon pero kelangan dahan dahan lang para naman hindi ako halata.

Okay,  one..two…three…..   Shux!  Si Rusty nga!  

“O, napadaan ka yata.   Bihira ka lang namang napapadpad dito sa fifth floor pag afternoon classes ah.   Huwag mong sabihing may dinadalaw ka.”   Si Andrew pala ang kausap ni Rusty.

May dinadalaw daw?  Sino?!  Effective na nga ba ang di ko pagpapakita sa kanya sa second floor?!   Wheeeeeehhhhh!

“Hoy! Kita mo na, sabi ko sayo e!”   Sabi ni Kiray na bigla na lang sumulpot out of nowhere.   

“Ang ngiti mo nakakaloka.    Huwag ka namang masyadong maligalig, baka mahalata ka.   Nakatingin pa naman si Rusty sa iyo ngayon.”  Dagdag ni Kiray.   Totoo nga bang nakatingin si Rusty sa akin?  Lumingon naman ako in his direction.   Sure enough nakatingin nga siya!!!   Sa gulat ko, bigla ko na lang binaling sa iba ang paningin ko.   Wala na, for sure, nagbblush na naman ako.  Grrrr!

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Where stories live. Discover now