CHAPTER 24 Fishy

2.5K 64 9
                                    

CHAPTER            24       Fishy

Samotny

"Wow,  Mots.   I have to say nagmukha kang tao diyan sa gown.  Haha."   Hirit ni Kiray.     "Kidding aside,  bagay sa iyo yang gown na yan.    Atsaka mukhang nasa budget mo pa.    Kunin mo na iyan."

"Oo nga, kunin mo na iyan.     Bagay talaga sa iyo.    Napapagod na rin kami Mots.    Kanina pa tayo paikot ikot sa mall."   Pagsasang-ayon ni Sayyen.

"Weh?   Bagay ba talaga o sinasabi niyo lang na bagay dahil pagod na kayo?    Mahirap talaga noh pag may budget!"     Sagot ko sa kanila.

Nandito nga pala kami ngayon sa mall para maghanap ng aming mga gown para sa pageant.    Kasama ko sina Kiki,  Sayyen,  Kiray,  at Apeng.     Si Kaka naman hindi namin kasama dahil sasamahan daw siya ng mama niyang mamili ng gown.      Lahat naman sila ay nakahanap ng masusuot nila.    Ako na lang ang hindi pa nakakahanap ng gown.     Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.     Mukhang bagay nga naman yung gown na suot ko ngayon at tumpak na tumpak pa sa budget.    Sinubukan kong maglakad  na parang isang beauty queen para ma-feel ko ang gown.     Ok naman ang flow.    Tamang tama lang din naman ang length.    May pagka-maroon ang kulay at may konting sequins sa breast line.    Maganda rin naman ang fit at mukha akong.......sexy?    

"Naks.    Mukha ka ngang sexy diyan sa gown na yan.      Yes!   Sa wakas nakahanap ka na rin ng gown.    Sorry Mots, I have to agree with them.   Pagod na kami at gutom.    Pero in all honesty, bagay  nga sa iyo yung gown.   Promise."    Si Kiki naman.

"Oo nga.   Maaakit mo na si Rusty niyan!   Haha."   Dagdag naman ni Yokaby.    

Bigla naman akong napa-smile at the mention of his name.     Excited na ako sa nalalapit na pageant. Excited na akong makita si Rusty na naka-formal wear.    Shux.   Sa imagination pa lang,  ang gwapo gwapo na.   What more in person?     Kinilig na naman ang loka.     Kaya dapat talagang mag-mukha rin akong ka-akit akit that night.    

"Ok guys,  I'll take it!"    Pagdedecide ko.

"YESSSSSS!!!"    Sabay sabay pa nilang sagot.   

_______________

"Wait, nakikita niyo ba ang nakikita ko?"    Gulat na tanong ni Yokaby.    "Mots, tingnan mo o!"

Naglalakad kami ngayon sa mall para pumunta ng food court nang may nakita si Yokaby.    Agad kaming lumingon sa direksyon kung saan nakatingin si Yokaby.      

"Si Daphne ba iyon at si..........   Kokeng???"    Gulat din na tanong ni Kiray.    "E diba kaibigan iyon ni Rusty?"

Si Kokeng nga ang kasama ni Daphne.    Pero bakit sila magkasama????    Nasa loob sila  ng Starbucks and mukhang may pinag-uusapan.   

"They look like they're so into their coversation.     Ayan Mots, baka si Kokeng na ang type ni Daphne. Iyong iyo na talaga si Rusty.   Haha."     Sabi ni Kiki.

"I wish."    But why do I have this iffy feeling?     Something is up.     I feel it.    

Bakit Crush Pa Rin Kita?!Where stories live. Discover now