Chapter Twelve: Walking Dead, Save me from the Devil

7.6K 151 12
                                    

Chapter Twelve: Walking Dead, Save me from the Devil

 

 

It has been two weeks after Mamita left me but still, hindi pa din ako nakaka-recover. Sabi nga nila Noel, I am a living dead.

Hindi nahuli kung sino at anong kompanya ang nakabangga sa sinasakyang taxi nila Mamita. Ang airline na pinagttrabahuhan nalang niya ang sumagot sa lahat ng gastos hanggang sa mailibing siya ng maayos, magkatabi na sila ngayon ni Papito sa himlayan.

Walang naiwan sa akin si Mamita na properties, etc. Yung condo at yung savings namin sa bangko ang meron ako ngayon. I know nothing about living alone, napaka-dependent ko kasi. Spoiled ako kila Mamita but look how things have changed, pinaglalaruan nga ata talaga ako ng tadhana.

“Tiff kumain ka na please baka mapano ka na niyan.”  Sabi sa akin ni Jerry. Nandito kami ngayon sa isang bench sa school, kasama ko ang buong barkada.

Oo nga beks. Kumain ka na ng maayos please and pwede dun ka na matulog sa inyo ulit? Or better yet, magsimula ka ng magbawi ng tulog. You look worse.” Concerned na puna sa akin ni Noel.

“Girla, you make us worry.” Malungkot na sabi sa akin ni Frida.

“I’ll eat when I want to eat. I’ll sleep where I want to.” Walang emosyon kong sabi sa kanila.

“Tignan mo to, parang gaga! Umayos ka nga! Makakatikim ka ng ikakagulat mo!” Inis na sigaw sa akin ni Lien. Hindi ko naman siya pinansin, wala akong pakialam sa kanila basta ang alam ko lang, sobrang lungkot ko at gusto ko na din magpakamatay.

“LIEN!” Saway naman agad ni Lychee sa kanya.

“Tumigil na nga kayo! Wag niyong pilitin kung ayaw! Punyeta, siya naman mahihirapan e, hindi tayo! Napupuno na ako sa kaartehan ng gagang yan!” Naiirita na sigaw ni JayR na ikinainis ko na din. Hindi ko naman sila pinipilit na samahan ako e! Tapos ako pa ngayon ang may utang na loob?! What the fuck lang talaga.

“Would you just leave me alone?! Hindi pa kasi kayo nawawalan ng mga magulang kaya hindi niyo alam ang pakiramdam ko. Kung itry niyo kaya ng malaman niyo di ba?! Isa pa, hindi ko kayo sinabihan na obligasyon niyo ako. Layuan niyo na nga muna ako!” Inis kong sigaw sa kanilang lahat sabay sabunot sa sarili ko.

FINE!” Sabay sabay nilang sigaw except kay Noel at Jerry, pero hindi rin nagtagal nauna na ding umalis si Noel at naiwanan si Jerry sa tabi ko.

Hindi ko din alam kung ano ang nangyayari sa akin, ako ang nag-iisolate sa sarili ko palayo sa kanila. Alam ko at expected ko din naman na hindi din magtatagal, iiwanan din nila ako lahat. Magsasawa sila sa kakapaalala at pag-aalaga sa akin.

Wala na din naman akong pakialam kung iwanan nila ako. Ano bang magbabago? Nawala na sa akin lahat, kaya kung ayaw na din nila sa akin then go, malaya sila.

Isa pa itong baklang nagsabi sa akin ng “I’m here” sa ospital. Wala naman siyang ginawang move para maiparamdam na dinadamayan niya ako e. Ang masakit pa nga dun, hindi ko na siya nakita ulit after nung sa ospital. Ang laking lokohan di ba? Ang palagi niyang inaasikaso ay yung jowa niyang si Noel.

“Tiff, kumain ka na. Hindi lang naman para sa iyo ito e. Isipin mo yang anak mo.” Mahinahong sabi sa akin ni Jerry. Buti pa itong gago na to, hindi ako iniiwanan kahit ilang beses ko na sila itinataboy palayo.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Where stories live. Discover now