Chapter Sixteen: More Fights...

7.8K 136 24
                                    

Chapter Sixteen

 

“Ano bang pinagsasabi mo jan? Bakit di mo sinabi na gusto mo pala ng ganito?” Inakap ko ang sarili ko, medyo dumistansya na din ako sa kanya.

“Ng alin?” Naguguluhan niyang tanong pero medyo natatawa na siya sa ginagawa ko.

“Ito, bakit mo ko pinaghuhubad?” Dun na siya tuluyang humalakhak, pinupunasan na niya yung mata niya sa sobrang tawa niya sa akin. Tinanggal ko din naman yung pagtatakip ko sa sarili ko.

“Gaga! Sapatos mo yung pinapahubad ko! Di ba nga ayoko madudumihan yung carpet ko? Yang utak mo Fel ha! Tsaka di na pwede, nagkamali na tayo minsan tama na yun.”

Awts. Pagkakamali daw, so mali pala si baby? Anak o, di ka pa nga lumalabas inaaway ka na ni Daddy mo. It hurts y'know! Bahala ka Phil, di kita susundin! Hmp!

“Oo na! Di mo kasi nililinaw! Kasalanan mo din!” Sigaw ko sa kanya sa ko na lang basta bastang hinubad yung sapatos ko pwera sa medias at tumakbo papunta sa sala nila. 

“Bumalik ka dito! Suotin mo to!” Sigaw niya sa akin saka niya ipinakita yung tsinelas

“Ayoko! Belat!”

Fel! Isa!” Lumapit na siya sa akin.

“Ang sunod ng isa ay dalawa tapos tatlo di ba? Tama ako?” Pang-aasar ko sa kanya. His lips formed into a tight line.

“Wag mo kong subukan!” Pagbabanta niya sabay abot sa akin nung slippers.

“Di mo ko madadaan sa ganyan!” TInabig ko yung slippers niya kaya nalaglag ito sa floor.

“That's it! Get out!” Sigaw niya sabay hilamos sa mukha at turo sa pinto.

“Ang OC mo kamo, ang arte arte! Fine, aalis ako! Ikaw nagdala dala saken dito e! Abnormal!” Inis kong sabi sa kanya, masama ang tingin ko sa kanya hanggang sa makalabas ako sa unit niya. Nagmadali pa nga ako umalis e.

Talagang sinara ko ng malakas yung pinto bago ako naglakad ng mabilis papunta sa elevator.

“Tss. Ang daming arte akala mo naman ang laki ng tirahan! Ang lakas ng loob magpalayas e sya nga ang nanghatak!” Inis kong sabi sa sarili ko saka ko sinuklay ng daliri yung laylayan ng buhok ko.

15...14...13...ting!

Papasok na ako ng elevator ng makarinig ako ng tumatakbo, nagmadali akong iclose yung door. Buti nalang magisa lang akong nakasakay.

Yesss! Nakatakas ako! Baka kase si Phil yun e! Bahala sya, bwiset!

12...11…ting!

Nakakainis naman, may sasakay pa sa floor na ito. Bakit ba kasi hindi na lang ground floor agad yung kasunod ng 12th floor eh! Tsk, noong bumukas yung pintuan ng elevator ay hindi na ako halos nakagalaw nung may humatak sa akin palabas.

“AAAAHHH! Hel-”

Hindi ko na natuloy dahil si Phil tinakpan na agad yung bibig ko. Matalino din itong bakla, oo nga pala mabagal ang elevator! Kesa siguro habulin nya ako, hinintay niya nalang ako sa susunod na floor. Nakakaasar.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Where stories live. Discover now