Chapter Thirty Two: Mrs. Conte Day 2

6.9K 121 13
                                    

Chapter Thirty Two

Maaga akong nagising ngayon kesa kay Phil, balak ko kasing lutuan siya ng almusal. Breakfast on bed ang peg ko eh  Nilutuan ko siya nung favorite niya, yung spanish omelette and yangchow fried rice. Pasalamat na lang ako at may lutuan dito sa hotel suite na kinuha nila mama para sa aming dalawa.

Pumasok naman agad ako sa kwarto, dala-dala ko ang breakfast niya. Pinatong ko agad sa bedside table ang tray saka tumabi sa kanya.

"Phil. Wake up. 9AM na."

"Hmm." Tumalikod siya sa direksyon ko at niyakap ang unan na katabi niya.

"Phil!"

"5 minutes, munchkins." Mahina niyang sabi sa akin.

"Phil, lalamig yung food. Hindi na ito masarap pag lumamig na " Inaalog alog ko yung braso niya tapos hinila ko yung unan na yakap niya. Humarap naman siya sa akin then ipinalibot niya yung braso niya sa waist ko.

"Masarap yan basta ikaw nagluto. 5 minutes honey, please?"

"Bahala ka na nga." Tss. Pinaghirapan ko yung breakfast tapos papalamigin niya lang pala, bakit ko pa kasi naisipang lutuan ng pagkain si Phil? Tch.

Aalisin ko na sana yung braso niya sa palibot ng bewang ko pero lalo niya itong hinigpitan. Pambihira naman Phil, umagang umaga ako na naman ang trip niya.

"Kiss muna." Sabi ni Phil sa akin, nakapikit pa din siya.

"Tumigil ka Felipe."

"Okay." Bumitaw naman agad siya sa akin at bumalik sa pagkakatulog niya. Tumalikod pa talaga siya sa akin! Infairness naman, hiyang hiya naman ako sa kanya. Pinalo ko naman yung abs niya, siyempre chancing na din yun

"Phil Andrei." Hinihila ko na yung braso niya pero hindi siya nagpapatinag.

"Mr. Conte!" Dalawang braso na niya ang hinihila ko pero hindi pa din siya nagpapatinag sa akin.

Haay! Sige na nga mahalikan na nga itong baklang ito para bumangon na! Napakaarte naman kasi! Pumunta naman ako sa kabilang side ng kama para nasa harap niya ulit ako. I leaned forward to kiss him on his cheek pero bigla nalang niya ako hinatak kaya napahiga na din ako sa kama.

"Aray ko naman Phil!" Naiinis kong sabi sa kanya. Ang hirap naman kasi gisingin.

"Ayoko sa cheeks munchkins." Nakapikit niyang sabi sa akin.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon