Chapter Thirty Six: We're Drifting Away

6.7K 138 46
                                    

Chapter Thirty Six

Simula nung makarating kami dito sa Pinas ay hindi na ulit kami naghawak ng kamay ni Phil, hanggang tinginan nalang. Paano palaging nandito si Noel, alam niyo naman echepwera na ako pag dumadating yun. Kulang na nga lang dito na din tumira yung si bakla!

Tuwing weekends lang wala si Noel dito sa bahay, masaya dapat ako dahil masosolo ko si Phil di ba? Pero hindi pa din, kasi ayokong istorbohin siya sa pag gawa ng thesis niya. Nag-aabot ako ng kape once in a while pero hanggang thank you at you're welcome lang ang paguusap namin dahil masyado siyang nakafocus sa study niya.

Well, ito naman ang trabaho ko in the first place di ba? Ang magsilbi? At eto na nga ako ngayon, nagtitimpla ulit ng kape para sa asawa kong napakasipag mag-aral! Hindi na nga ako sinasamahan sa pagpapacheck-up ko e! Least priority na kami ni baby!

Kumatok ako sa kwarto niya para iabot ulit yung kape niya pero nakailang katok na ako ay hindi pa din siya sumasagot kaya naman kusa na akong pumasok sa loob.

Kaya naman pala, tulog na ang mokong, nakahiga sa kama niya at kalat kalat ang papel sa paligid niya. Nilapag ko naman ang kape sa study table niya saka niligpit lahat ng papel sa isang tabi at kinumutan siya. Haay, mukha ngang stressed na stressed si Phil.

"Tumabi ka muna saken ngayon, please?" Natigilan naman ako nung bigla siyang magsalita.

"Hindi ako si Noel." Matipid kong sabi saka ako lumayo sa kanya.

"Alam ko, ilang araw na akong puyat Fel, gusto na kitang katabi ulit. Hindi ako makatulog ng ayos."

"Bakit di mo ko pinupuntahan sa kwarto? Tsaka katabi mo naman si Noel minsan di ba?"

“Mahimbing ka ng natutulog pag pumupunta ako, iba yung tulog ko pag ikaw katabi ko, parang fully rested.” Nakapikit niya pa ding sabi sa akin.

Alam ko na yang mga linyang yan Phil, hindi na ako magpapadala sayo!

“Tatabi ako sayo dahil kailangan mong matulog o sadyang namimiss mo lang ako?” tanong ko sa kanya pero nagsimula na akong humiga sa tabi niya, ano pa bang magagawa ko, malakas siya sa akin eh.

“For now, I need sleep” Humarap siya sa direksyon ko pero hindi pa din siya dumidilat.

Di ba? Buti nalang hindi ako nagpadala sa mga linya niya kasi malamang niyan basag na naman ako! Haay.

“Okay fine.” Tuluyan na akong humiga pero sinigurado ko na hindi ako nakatabi sa kanya masyado. Nagulat na lang ako nung lumapit siya at ipinalibot ang braso niya sa akin.

 “Namimiss ko na yung ganito Tiffel. Kung pwede lang talagang itali na lang kita dito sa kama, gagawin ko.”Mahina niyang sabi sa akin, inilapit niya ako lalo sa kanya.

 “Phil! Ginagawa mo lang akong teddy bear e!” Reklamo ko sa kanya.

“Ikaw ang pinakamagandang teddy bear. Swerte ko pa pala dahil asawa na kita.”

Susme! Bumanat na naman si Phil, alam mo yung kahit naka-set na yung utak ko na dapat hindi ako kiligin ay nabigo pa din ako kasi sa simpleng pagkakasabing yun ni Phil ay bumilis na ang tibok ng puso ko.

Maya maya pa ay nakatulog na si Phil, kumalas naman agad ako sa pagkakayakap niya, mahirap na baka dumating si Noel unexpectedly mahuli pa kami. Kahit pa gustong gusto ko na din matulog sa tabi niya ay kailangan ko magpigil.

Ilang oras din siyang nakatulog, halatang nagbabawi ng pahinga si Phil. Hindi ko naman siya inistorbo, mga tatlong oras din siguro siyang tulog.

Busy ako sa pagtetemple run sa bagong bili na cellphone sa akin ni mama nung biglang sumigaw si Phil.

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Where stories live. Discover now