Chapter Eighteen: He knew it!

7.9K 124 11
                                    

Chapter Eighteen

Nagising nalang ako sa isang pamilyar na lugar, alam niyo na kung saan yun, nagbleeding ako kanina e.

Sa ospital?

Ay hindi sa gasolinahan, baka kasi kulang lang kami ni baby ng gas kaya kami dinugo. Haha.

Humawak naman agad ako sa tiyan ko nung maalala ko kung bakit ako nandito. Hala ka, kumusta kaya ang baby ko! Naku po, kailangan ko na kagad makausap yung doctor!  Kaso bago pa man ako makatayo at makaalis sa kama ay bigla namang bumukas ang pintuan...

Pumasok lang naman yung doctor... kasunod si Phil. O buti naman at nandi- Stripes sa butt ni Jollibee naman o! Hindi nya pwedeng makausap yung doctor! At bakit sya ang nandito?! Ang alam ko mag-asawa ang nagdala sa akin dito!

Just take care of her from now on.” Sabi niya kay Phil

“O, gising na pala siya. Iha, how are you feeling right now?” Kinausap niya kagad ako nung makita niyang nakabangon na ako sa kama.

 “Uhm... c-can i talk to y-you doc?” Tumingin ako sandali kay Phil then dinugtong ko yung “in private.”

Hindi naman nagreklamo si Phil at umalis na agad ng kwarto ko. Buti naman at hindi na nakipagtalo. Pagkalabas niya ay binalik ko na agad ang atensyon ko kay doc.

“Ano po ang alam niya sa sitwasyon ko doc?” Feeling ko mas maputi pa ang labi ko sa blazer na suot ng doctor ngayon. May hawak siyang steel chart, may tinignan siya saglit doon saka niya iniangat ang tingin sa akin.

“Hindi mo pa pala sinabi sa asawa mo na buntis ka. He looked surprise when I let the cat out of the bag. I’m sorry to spoil your surprise iha, kailangan niya kasi malaman ang lahat.” Paliwanag ni doctor sa akin, naku po, patay na. 

“Oh my shemay! Hindi ko po siya asawa doc, kaibigan ko lang po siya at talagang inilihim ko po sa kanya ang lahat.” Napahawak ako sa noo ko. Bakit naman kasi sa lahat ng pagkakataon, sa ganitong paraan pa nalaman ni Phil na buntis ako?!

“Pasensya ka na iha, pakilala niya din kasi sa akin ay asawa ka niya kaya binanggit ko sa kanya. He looked so worried kaya sinabi ko na sa kanya.” He scratched his left temple with his index finger then he fixed his glasses.

“Hayaan niyo na po.” I sighed then I looked at him. “Anyways, kamusta na po ang anak ko?” Huminga ng malalim si doc bago ako tinignan with a very serious look on his face. Hala ka, bad news ba ang sasabihin niya sa akin?

“Are you stressed these past few days Miss Dela Palma?” Tanong niya sa akin. Hindi na ako nag-deny, tumango na lang ako.

“I see, that is why. Nasobrahan ka sa emotional stress at hindi ka kumakain ng maayos kaya ka nagkaganyan. Hindi appropriate ang weight gain mo iha, kulang ka sa nutrisyon. Alagaan mo na ang sarili mo, sinabihan ko na din yung uhm, kaibigan mo. Nagbigay nadin ako ng mga supplements para sayo. You can go home tomorrow morning.” Pagtatapos ni doc, isinara na niya yung steel chart na hawak niya saka niya ako tinignan ulit.

 “Thanks doc. I promise, I will be extra careful from now on.”  

I’ll be leaving now for you to rest more. I also referred you to an OB-Gynecologist for you to have your pre-natal check ups, you need it iha. Maselan ang pagbubuntis mo ngayon.” Lumakad na siya papunta sa pintuan, ako naman ay medyo nagrecline na din pahiga.

 “Ok po doc, thank you po ulit.”

Tuluyan na lumabas sa hospital room ko yung doctor. Huminga ako ng malalim, paano nalaman ni Phil na nandito ako? At ano ang ipapaliwanag ko sa kanya? Sino ang sasabihin kong ama nitong bata? Hindi kaya siya sobrang magulantang kapag sinabi kong kasalanan niya kung bakit ako buntis ngayon? Ugh!

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Where stories live. Discover now