Chapter Forty Three: And now the End is near

7K 124 3
                                    

Chapter Forty Three

"No. Hindi ako papayag. Are you crazy?! Bakit tayo magdidivorce?!” Inis na sabi sa akin ni Phil. Ako pa nga ang tinanong! Badtrip lang talaga.

“Hindi ako nanghihingi ng permiso na pumayag ka, gusto ko ng divorce.” Kalmado kong sabi sa kanya dahil medyo sumasakit na ang ulo ko.

Nararamdaman ko na ang kirot at sa palagay ko ay kailangan ko na ulit uminom ng pain killers.

“Tiffel, bakit pa?! Ayoko. Hindi pwede. Akin ka lang.” Mataas na ang boses niya, inagaw niya ang kamay ko at hinawakan niya ito ng mahigpit. Nakatingin siya sa akin.

“Tiffel, huwag na. Please?” Pero kahit ganito, buo pa din talaga ang desisyon ko. Kahit alam kong masakit, para din naman ito sa ikababangon ng sarili ko.

“Phil, hindi mo ba talaga alam kung gano mo ko nasasaktan?” Kalmado ko pa ding tanong sa kanya. As much as possible, ayoko na mastress ang sarili ko pero pakiramdam ko anytime sasabog na din ako.

“Tiffel, alam ko…and I’m sorry. I really am!” Doon na ako napuno. Takte, anong akala niya sa akin bata lang na pwedeng sabihan ng sorry tapos ayos na? Ang dami kong pinagdaanang sakit dahil sa kanya tapos sorry lang!?

“Sa tingin mo mababawi ng sorry mo ang lahat ng ginawa mo? Phil, nagtiis ako, tiniis ko yang ugali mo, yang mood swings mo, pati yang magulo mong puso. Ang tagal kong nagtiis kasi sabi mo maghintay lang ako, pero mas gusto mo pa din lumayo.” Hindi ko na naman napigilang umiyak ulit. Lahat ng aparato na nakakabit sa katawan ko ay wagas na kung makapagalarm. Ang bilis kasi ng heartbeat ko, pati ang paghinga ko. Punong-puno na kasi ng hinanakit yung puso ko. Naipon lahat kaya wagas-wagasan.

“Tiffel…wag ka namang ganyan.”

“Hindi ka ba naaawa saken? Kahit awa…nalang, kahit pakisamahan mo lang ako dahil sa awa tatanggapin ko pero kahit yun pinagkait mo pa sakin! Palagi akong naiiwan sa bahay mag-isa. Naiisip mo ba ako pag nasa labas ka? Naiisip mo ba na…k-kung kumakain ba ako sa ayos? Naiisip mo ba kung…m-masaya ba ako pag nanonood ng tv? Naisip mo ba na napupuyat ako kakahintay…s-sa paguwi mo?” Hindi ko mapigil ang mga hikbi, masakit eh.

Ang buong akala ko ay yayakapin niya ako, aaluin at sasabihin na hindi na niya uulitin at magsasama na kami ng maayos pero nagkamali ako. Bumangon siya sa kama at umupo sa bedside chair. Hindi ko nga alam kung bakit mas lalo akong nasaktan sa ginawa niya where in fact, ito naman talaga ang gusto ko di ba?

“Phil...ang manhid manhid mo alam mo ba yun? I-ilang…beses ko sinabi n-na mahal kita…kulang pa ba yun? Ginawa ko lahat pero…hindi pa din sapat para piliin mo ako…ang sakit sakit!”

Pinilit ko namang umupo kahit medyo nahihilo pa ako. Oo nga, tama nga sila sasakit pa talaga ang ulo ko, pero kailangan ko ng makipagusap kay Phil ngayon din!

“Fel...please humiga ka nalang, hindi ka pa stable.” Sabi niya sa akin, he reached out for me pero pigil na pigil siya na para bang may maling mangyayari pag hinawakan niya pa ulit ako. Umiling ako.

“Kailangan nating mag-usap” Matigas kong sagot sa kanya.

“Tiffel…please, magpahinga ka na.” Malumanay niyang sabi sa akin.

“Ayoko, maguusap tayo.” Narinig ko siyang bumuntong hininga at medyo tumango siya.

“Fine, kakausapin ko na sila Mama, I'll give...” I saw him gulped.

Nakita ko naman na namumula ang mata ni Phil. Nakikita ko na pinipigilan niya ang umiyak. Totoo ba itong nakikita ko? Naiiyak ba talaga si Phil? Pero bakit? Ano ba ang nararamdaman niya?

Beki, Beki, Bakit Tayo Gumawa?Where stories live. Discover now