7

10 3 0
                                    

"Kilalang-kilala talaga si kuya Leo at ate Lyreen dito noh?" Tanong ni, Rhe habang binabalik namin yung mga gamit namin sa locker. Kilala talaga si kuya at ate sa pa-aralang 'to, siguro nga kahit sa ibang school kilala rin sila. Actually, hindi naman dito nag-aral yung mga yun. Naging exchange students lang sila. Dahil siguro sa talino at galing nila kaya maraming humahanga sa kanila. Kilala rin si ate Eiah sa pa-aralang 'to.

Matatalino yung kuya at ate ko, pinagma-malaki nga sila lagi ng magulang ko. Hindi ko nga alam kung na mana korin yung kakayahan na meron yung utak nila. Masyadong mataas yung IQ ng mga yun. Katigasan lang ng ulo yung sikat kong kakayahan, laging yung gusto ko yung na susunod. Kapag ayaw ko, ayaw ko talaga.

Hindi naman ganon kalayo yung loob ko sa parents ko pero a-aminin kong nag-iba yung pakiki-tungo ko sa kanila. Nagsimula lang naman yun no'ng graduation ko nung high school. Nangako kasi sila sa 'kin na darating sila sa graduation ko pagkatapos nilang magsabit ng medalya sa kuya ko.

Nagkasabay kasi yung graduation namin ni kuya at nasa magka-ibang school pa kami. Hinintay ko sila non kasi nangako sila. Pero natapos yung graduation ko ng hindi sila dumating. Pinaka ayoko sa lahat yung na ngangako ng hindi marunong tumupad.

Yung grand- grand-grand-father ko, si daddy lo, si lolo, lola at ate Lyreen lang yung pumunta sa graduation ko. Si, lolo Theodiel, daddy lo, lola at lolo yung nag sabit ng medalya ko. Si ate Lyreen yung kumukuha ng litrato sa 'min. Salutatorian ako non at summa cum laude naman si kuya Leo sa school nila. Wala na sa 'kin lahat ngayon yun. Mas naging malapit din ako kay daddy lo, lolo at sa lola ko after my graduation, ganon din sa grand-grand-grand-father ko.

Tatlong lolo yung meron ako. My grand-grand-grand-father. My grand-grand-father. And my lolo. Gets niyo naman siguro. Daddy lo yung tawag ko sa grand-grand-father ko, siya na kasi yung tinuring kong tatay. Mas madalas din akong umuwi sa bahay nila daddy lo, kesa kina mom. Pakiramdam ko kasi mas nagiging magulang yung mga lolo ko kesa kina mom. Kaya simula no'n hanggang ngayon, mas malapit ako kina daddy lo, kay lolo at lola. Favorite apo daw nila ako, kasi nakikita daw nilang tatlo yung ugali nila sa 'kin nung mga kasing edaran din nila ako. Ini-intindi din ako ng mga lolo't lola ko kung bakit hindi ako pumapayag na magpa-kasal. Ganon din yung grand-grand-grand-father ko, busy nga lang minsan. Medyo strict din.

"Hoy. Nakikinig ka ba, Andie bilatan Dela Fuente muka kang panty?" Tanong sa 'kin ni, Rhe. Hindi ko namalayan na nasa cafeteria na pala kami.
"H-ha? Ano ba yun?" Nahihiyang tanong ko, dahil nawala ako sa usapan.
"See? She's not even listening. Ghadd!" maarteng sabi ni, Rhe.

"May iniisip ka ba Die?" Takang tanong ni, Ely sa 'kin. Hindi ba halata? Kimay!!

"Wala. May na-alala lang" sagot ko naman.
"Order na tayo" Pag-iiba ko ng usapan.
"Nag order na kami, Die. Nag order na rin kami ng pizza and coke for you" sabi ni, James habang nag po-phone.
"Lutang ka kasi kanina pa. Saang planeta ka na ba nakarating?" Pag bibiro ni, Ely

"Sabi namin kanina, punta tayong shop mamaya. May mga kulang na na supply, so we need to have a meeting" sabi ni, Rhe.

Nagta-trabaho kasi kami sa coffee shop. And luckily it's doing great since then and now. Nahirapan kami no'ng una pero thanks kay daddy lo dahil tinulungan niya kami kung ano yung kailangan at dapat gawin. Pati na rin yung parents ni, James, sa support ng parents nila Rhe at Ely.


"Wala naman kayong quiz bukas diba?" Tanong ni, Ely sa amin ni, Rhe.

"Wala naman siguro. Diba Die?" Tanong din sa 'kin ni, Rhe. Aba malay ko.

Love to the FullestWhere stories live. Discover now